BREAKING NEWS

Wil Dasovich barag na barag sa bashers dahil sa ‘relasyon’ daw kay Rhian 

Wil Dasovich barag na barag sa bashers dahil sa 'relasyon' daw kay Rhian 
Sam Verzosa, Rhian Ramos at Wil Dasovich

TRUE nga kaya na ang content creator na si Wil Dasovich ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Rhian Ramos at Sam Verzosa?

Si Wil kasi ang sentro ng chika ngayon na itinuturong third party umano sa breakup nina Rhian at Sam na ilang taon ding tumagal ang relasyon.

Sa gitna ng akusasyon ng driver ni Rhian na si "Alyas Totoy" na binugbog at ikinulong umano siya ng aktres sa pag-aari nitong condo unit kasama si Michelle Dee at mga bodyguard nito, nadamay naman sa isyu si Wil.

May mga balita kasing bago raw maganap ang umano'y pambubugbog at pagkulong kay "Totoy" ay palagi raw naiispatan si Wil sa bisinidad ng condo ni Rhian sa Makati City.

At ang chika, nagkikita na umano sina Rhian at Wil bago pa tuluyang naghiwalay ang Kapuso actress at si Sam kaya ang feeling ng netizens, ito marahil ang dahilan kaya tuluyang nawasak ang relasyon ng celebrity couple.

Pero in fairness, wala pa naman talagang diretsahang pag-amin o pagdedenay sina Rhian at Sam tungkol sa kanilang breakup.

Base naman sa naging panayam sa presidente ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na si Arsenio "Boy" Evangelista, isa raw sa naging dahilan kung bakit nagalit si Rhian sa kanyang personal driver ay dahil patuloy pa rin ang komunikasyon ng driver kay Sam.

Kasunod naman nito ang matinding pamba-bash at pang-ookray ng netizens kina Wil at Rhian. 

May nagkomento na nasa kama na raw si Rhian ay lumipat pa sa banig dahil nga mula sa pakikipagrelasyon kay Sam ay nauwi lang ito kay Wil na wala pa sa kalingkingan ng yaman ng kanyang ex.

Meron namang netizens ang nagsabing maswerte raw si Wil kay Rhian dahil bukod sa maganda at sexy na ang aktres ay rich pa at kering-keri raw siyang buhayin.

And how true ang nabasa naming komento ng isang social media user na ipinahihiram pa raw ni Rhian ang kanyang sasakyan kay Wil kapag may mga importante itong lakad?

Oh, well, baka naman super friends lang talaga ang dalawa at nabibigyan lang ng malisya. Let's wait and see na lang kung ano ang susunod na kabanata.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang reaksyon ang mga taong involved sa isyu. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nina Sam, Rhian at Wil.

The post Wil Dasovich barag na barag sa bashers dahil sa 'relasyon' daw kay Rhian  appeared first on Bandera.


Wil Dasovich barag na barag sa bashers dahil sa ‘relasyon’ daw kay Rhian  Wil Dasovich barag na barag sa bashers dahil sa ‘relasyon’ daw kay Rhian  Reviewed by pinoyako on January 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close