BREAKING NEWS

Robin Padilla bad trip na: Tigilan na impeachment kina VP Inday at PBBM!

Robin Padilla bad trip na: Tigilan na impeachment kina VP Inday at PBBM!
Bongbong Marcos, Sara Duterte at Robin Padilla

HINDI na nagugustuhan ni Sen. Robin Padilla ang mga panawagan para sa impeachment laban kina Pangulong Bongbong Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte.

Kaya naman nanawagan siya na itigil na ang patuloy na pamumulitika sa Pilipinas at ituon na lamang ang atensiyon sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino.

Idinaan ng senador ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng Facebook kung saan ipinagdiinan niyang mas dapat pagtuunan ng pansin ng mga mambabatas ang mga isyung may kinalaman sa buhay ng mga Pilipino.

"Ang daming dapat tapusin ng 20th Congress. Mga panukalang-batas na may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay ng ordinaryong Pilipino," ang pahayag ni Padilla.

Kasunod nito ang pakiusap niyang itigil na ang pagsusulong ng impeachment laban kay VP Sara at kay Pangulong Bongbong.

"Tigilan n'yo na ang mga impeachment maging kay VP Inday 'yan o sa PBBM. Tama na ang politika!

"Mga kababayan, tandaan po ninyo ang mga mukha ng mga taong nagpapagulo ng ating bayan. Sukang-suka na tayo sa walang katapusan na awayan at agawan ng kapangyarihan," lahad ni Robin.

Hirit pa ng mister ni Mariel Rodriguez, "Ang tao, nag-aantay ng pag-asenso. Wala pang naibibigay magmula 1896 Revolution hanggang 1986.

"Wala tayong ginagawa kundi mangutang lang. Utang, utang, utang!" ang punto pa ni Robin Padilla.

The post Robin Padilla bad trip na: Tigilan na impeachment kina VP Inday at PBBM! appeared first on Bandera.


Robin Padilla bad trip na: Tigilan na impeachment kina VP Inday at PBBM! Robin Padilla bad trip na: Tigilan na impeachment kina VP Inday at PBBM! Reviewed by pinoyako on January 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close