BREAKING NEWS

Juliana Parizcova kontra sa mga transwoman sa Miss U: Sa mga babae yun! 

Juliana Parizcova kontra sa mga transwoman sa Miss U: Sa mga babae yun! 
Juliana Parizcova Segovia

PINANINDIGAN ni Miss Q&A Season 1 Grand Winner Juliana Parizcova Segovia ang stand niya sa pagsali ng mga transgender woman sa mga national beauty pageants.

Hindi aprub para sa Miss Q&A Season 1 Grand Winner ng "It's Showtime" ang pag-join ng mga transwoman sa mga pageant tulad ng Miss Universe at Miss Grand International.

Napag-usapan ang tungkol sa kontrobersyal na isyung ito sa panayam ng "Ogie Diaz Inspires" kay Juliana na in-upload sa YouTube nitong Martes, January 20.

Pahayag ni Juliana, "2018 pa lang sinagot ko na rin 'yan. Hindi (agree), kasi iba ang culture natin, Mama Ogs, e. Iba 'yung respeto natin sa mga tunay na babae."

Patuloy na paliwanag niya, "So ako, kung magdi-disagree sa akin ang mga trans sister ko, kasi ganyan ang palagi nilang rebutt, e, 'Palibhasa hindi ka mukhang babae, hindi ka naman feeling babae!'

"Sa akin kasi, hindi naman 'yun ang point. Choice mong pagdaanan 'yan kasi nga choice mong maging mukhang babae. 

"Pero ang pinag-uusapan natin dito 'yung biological woman. Kanila 'yun, e," esplika ni Juliana Parizcova Segovia.

Nagmarka sa kasaysayan ng beauty pageant ang pagsali ng pambato ng Spain na si Angela Ponce sa Miss Universe 2018 bilang kauna-unahang transgender candidate.

At nito ngang nagdaang December, 2025 ibinandera ng Miss Grand International na pwede nang mag-join sa pageant ang mga transwoman para sa kauna-unahang MGI All Stars.

The post Juliana Parizcova kontra sa mga transwoman sa Miss U: Sa mga babae yun!  appeared first on Bandera.


Juliana Parizcova kontra sa mga transwoman sa Miss U: Sa mga babae yun!  Juliana Parizcova kontra sa mga transwoman sa Miss U: Sa mga babae yun!  Reviewed by pinoyako on January 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close