Crissha Aves bet ng Pinas sa Miss Teenager Universe 2026 sa Indonesia

IN FAIRNESS, promising ang 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na siyang kinoronahang Miss Teenager Universe Philippines 2026 recently.
Siya ang magiging representative ng bansa sa Miss Teenager Universe 2026 na magaganap sa Bali, Indonesia sa darating na March.
Tubong-Tanauan, Leyte si Crissha na una nang itinanghal na 1st Runner-Up sa Miss Teen Pintados 2025 kung saan pinabilib niya ang mga judge sa kanyang talino at confidence sa pagrampa.
Kasunod nga nito ang pagkakapili sa kanya ng Miss Teen International Philippines Organization, na pinamumunuan ni Charlotte Dianco para ilaban ang Pilipinas sa international beauty pageant.
Todo na ang ginagawang paghahanda ng young beauty queen para sa nalalapit na paglaban niya sa Miss Teenager Universe 2026.
Siguradong malakas ang laban ni Crissha sa naturang international pageant dahil hindi nga lang ganda ang baon-baon niya sa pagpunta roon kundi pati na ang taglay na charm at talino.
Napakagaling sumagot ni Crissha sa question and answer segment ng naganap na sashing ceremony at presscon nitong nagdaang January 18.
Kaya hindi na kami magtataka kung maiuwi niya ang inaasam na titulo at korona. Feeling din namin, pagdating ng tamang panahon, pwedeng-pwede na siyang lumaban sa mga national beauty pageants including Miss Universe Philippines, Binibining Pilipinas at Miss World.
Anyway, present din sa naturang event si Mister Teenager Universe Philippines 2026 Vanderlei Zamora na siya namang magiging bet ng Pilipinas sa Mister Teenager Universe 2026, si Little Mister Kids of the World Philippines 2026 JJ Rivera Ahaja, at Man of the Universe 2024 1st runner-up and Alta Skincare President Amir Bergado.
Ang singer-actor naman na si Lance Raymundo ang nagsilbing host ng mediacon.
The post Crissha Aves bet ng Pinas sa Miss Teenager Universe 2026 sa Indonesia appeared first on Bandera.

No comments: