BREAKING NEWS

Mikoy Morales inilabas lahat ng ‘baho’ sa fiancèe na si Isa Garcia

Mikoy Morales inilabas lahat ng 'baho' sa fiancèe na si Isa Garcia
Mikoy Morales at Isa Garcia

KNOWS n'yo bang may isang babaeng may dyowa na ang naglandi at nanligaw sa Kapuso actor na si Mikoy Morales!?

Yes! Ganu'n katindi ang karisma at appeal ng aktor sa mga girlalu na may sabit na at isa nga rito ang pumorma sa kanya ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Sa guesting ni Mikoy sa GMA online show nina Chariz Solomon at Buboy Villlar na "Your Honor" kasama si Arra San Agustin, napag-usapan nga ang tungkol dito. 

Natanong ang komedyante kung may babaeng may dyowa o asawa na pero nagkagusto pa rin sa kanya.

"Medyo nakakatakot nga 'yun," ang tugon ni Mikoy sa mahinang boses na parang nahihiyang magkuwento.

Inamin ni Chariz na alam niya ang kuwento hinggil dito kaya hirit ni Mikoy, "Feeling ko tapusin na lang niya 'yung sagot ko. Alam naman niya, eh."

Pero inusisa pa rin siya ni Chariz, "Anong ginawa mo?" Sagot ng aktor, "Hinayaan ko na lang. Pinalipas ko lang."

Sundot na tanong sa kanya ni Arra, "Paanong biglang nag-halt na 'yung pag-flirt niya sa 'yo?" 

"Hindi ko alam. Hindi ko alam. Wala na lang. Ate Cha tapusin mo," ang natatawang pag-iwas ni Mikoy sa naturang insidente.

Kaya naman si Chariz na ang sumagot, "Sinabi niya (Mikoy) 'yung totoo. 'I don't want to be awkward with you.' Nakakasama-kasama kasi (namin). Parang ayaw niya (Mikoy)."

In fairness, knows naman daw ng fiancée ni Mikoy na si Isa Garcia ang mga babaeng nakalandian nito.

"Lahat, lahat. Alam niya lahat. Kasama 'yun sa vibes check, eh. Specifically kay Isa. Unang bungad namin sa isa't isa na 'Ito lahat ng baho ko.'

"So take it or leave it na agad. Para hindi na darating pa sa point na 'Ay, oo nga pala. Naalala ko dati may nagawa akong ganito.'

"Nu'ng na-feel ko na parang may pupuntahan 'to, nilatag ko na lahat. Transparent na agad. Parang malalaman na agad 'di ba? 'Kung magbabago tingin mo sa akin, baguhin mo na. Tingnan na natin kung okay sa 'yo o hindi. Kung hindi, e 'di as early as now, tara na, move on na tayo,'" lahad pa ng aktor.

Reaksyon naman ni Chariz, "Ang ganda nu'ng nag-enter si Isa sa relationship na ganiyan ka-mature, ang ganda nu'ng effect din sa kanya as a person."

Nakatakdang magpakasal sina Mikoy at Isa sa darating na March, 2026.

The post Mikoy Morales inilabas lahat ng 'baho' sa fiancèe na si Isa Garcia appeared first on Bandera.


Mikoy Morales inilabas lahat ng ‘baho’ sa fiancèe na si Isa Garcia Mikoy Morales inilabas lahat ng ‘baho’ sa fiancèe na si Isa Garcia Reviewed by pinoyako on January 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close