Alden Richards napagkamalang ‘totoy’ sa US: Ang sarap ng feeling!

FEELING proud and flattered ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards nang mapagkamalan siyang minor at totoy habang nagbabakasyon sa Amerika.
Natatawang kuwento ng Kapuso superstar sa BANDERA na may mga pagkakataon daw na hinihingian siya ng ID sa ilang establishments sa US dahil inaakalang minor pa lang siya.
In fairness naman kasi kay Alden, ang fresh-fresh ng awrahan niya ngayon at parang bumata nga after makapag-recharge sa US kung saan siya nagbakasyon kasama ang pamilya.
"Marami ngang nagpi-feedback na nagugulat sa edad ko, especially noong nasa US ako last vacation ko. Usually kapag minors, hinihingian ng ID, o kapag nagka-card sila.
"I still get that a lot. Doon ako proud talaga, na Pinoy tayo, na mukha talaga tayong mga bata. Ang sarap ng feeling!" ang chika ni Alden.
"Medyo nakapagpahinga. I think, ang dami rin kasing nangyari last year. Like we did 'Stars on the Floor', then nag-film ako ng international film, nag-produce rin ako. Then, ang dami ko ring activities for charity.
"So parang right now, I'm at the age na considering things that makes me happy. Medyo 15 years na rin ako sa industry and I think 'yun na rin ang kinu-consider natin in our daily lives, na kung ano ba ang purpose natin paggising sa umaga, ano ba ang gusto nating gawin?
"How can we contribute in our small ways to the community. Doon lang po lagi nagbu-boils down ang objective and purpose ko.
"At siyempre, ang faith ko kay Lord, hindi rin talaga nawawala," ang pahayag pa ng award-winning actor na muli ngang sasalang bilang host sa season 2 ng dance reality competition na "Stars on The Floor."
Reaksyon ni Alden sa mabilis na pag-ere ng ikalawang edisyon ng show, "Nagulat nga rin kami, dahil ang show talaga, parang good for 1 season lang talaga. But siyempre, depende nga sa performance pa rin kung mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng season 2.
"And blessing sa amin ang show, ang gaan dumating ng show sa amin, at kung paano namin nilatag sa TV. And nagkaroon talaga ng impact sa audience, at supported very generously ng mga Kapuso all over the world.
"So, happy kami and at the same time nabigyan ng pagkakataon, kasi nasasayangan talaga kami kung isang season lang siya magra-run.
"Like noon na-highlight natin ang collaboration ng mga celebrity at mga social media dance stars, and right now, collaboration of our celebrity dance stars, with the P-pop idols naman.
"Nagiging malaki na rin ang groups natin. I hope that this show, will continue, kasi marami tayong naha-highlight na group, at nakakapagbigay tayo ng break sa mga tao, to uplift and showcase their talent," sey ni Alden.
Mananatili pa ring judge sa show sina Marian Rivera at Coach Jay with the newest member of the panel na si Rayver Cruz.
The post Alden Richards napagkamalang 'totoy' sa US: Ang sarap ng feeling! appeared first on Bandera.

No comments: