Catriona Gray na-pressure kina Anne, Jericho; acting workshop kinarir

AMINADO si Miss Universe 2018 Catriona Gray na inatake siya ng matinding pressure sa kauna-unahan niyang pagsabak sa aktingan.
Makakasama ang host at beauty queen sa reunion movie nina Anne Curtis at Jericho Rosales, ang inaabangan nang "The Loved One" mula sa direksyon ni Irene Villamor.
Sa panayam ng media kay Catriona sa mediacon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) nitong Martes, January 21, kinumusta ang kanyang acting debut.
Sagot ni Cat, "To even be considered for that participation in that film, I was really happy. But also pressured.
"I really wanted to do a good job. I don't want to be the weakest link in the film," aniya pa.
Kuwento pa ng ex-fiancée ni Sam Milby, bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa unang pagsabak sa pag-arte, talagang sumailalim siya sa ilang acting workshop.
Tungkol naman sa mga bida ng pelikula na sina Jericho at Anne, sey ni Catriona, "They were so fantastic.
"Of course, I see Anne a lot in events like this. And for Echo, I'm not really familiar with him. We've run into each other in a few events. But they were both so kind," saad pa ni Cat.
Base sa inilabas na official trailer ng reunion movie, ipinasilip sa madlang pipol ang eksena ni Catriona na talaga namang ikina-excite ng kanyang mga tagasuporta.
Mapapanood sa nasabing trailer ang muling pagkikita ng mga karakter nina Anne at Jericho matapos maghiwalay at magkalayo ng mahabang panahon.
Bukod dito, may pasilip din sa mga sweet at intimate moments nila sa pelikula pati na ang ilang challenges na hinarap nila as a couple.
Ang "The Loved One" ay mapapanood na sa mga sinehan sa February 11. Ito nga ang magsisilbing reunion project nin Anne at Jericho after nilang gawin ang 2008 Metro Manila Film Festival entry na "Baler."
The post Catriona Gray na-pressure kina Anne, Jericho; acting workshop kinarir appeared first on Bandera.

No comments: