Catriona Gray aktres na rin, ka-join sa ‘The Loved One’ nina Echo at Anne

SA kauna-unahang pagkakataon, sasabak na rin sa larangan ng aktingan si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Makakasama ang Filipina beauty queen sa upcoming romantic film "The Loved One," na pagbibidahan nina Anne Curtis at Jericho Rosales.
Base sa inilabas na official trailer ng reunion movie nina Anne at Echo, ipinasilip sa madlang pipol ang eksena ni Catriona na talaga namang ikina-excite ng kanyang mga tagasuporta.
Mapapanood sa nasabing trailer ang muling pagkikita ng mga karakter nina Anne at Jericho matapos maghiwalay at magkalayo ng mahabang panahon.
Baka Bet Mo: Catriona Gray nanawagan ng accountability, transparency sa gobyerno
Bukod dito, may pasilip din sa mga sweet at intimate moments nila sa pelikula pati na ang ilang challenges na hinarap nila as a couple.
Ang "The Loved One" ay mula sa direksyon ni Irene Villamor, at mapapanood na sa mga sinehan sa February 11.
Ito nga ang magsisilbing reunion project nin Anne at Jericho after nilang gawin ang 2008 Metro Manila Film Festival entry na "Baler."
The post Catriona Gray aktres na rin, ka-join sa 'The Loved One' nina Echo at Anne appeared first on Bandera.

No comments: