Bangka,12 sakay nawawala sa dagat ng Sarangani

NAGLUNSAD ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) sa 12 na sakay ng isang bangka sa karagatan sakop ng Sarangani.
Isa sa 13 na sakay ng M/B Amejara ang nailigtas ng PCG kaninang alas-11 ng tanghali habang palutang-lutang sa dagat ng Sarangani.
Umalis ang naturang bangka sa Sta. Ana Wharf sa Davao City alas-8 ng gabi noong nakaraang Sabado at inaasahan na dadaong sa Gov. Generoso, Davao Oriental kahapon.
Sinabi ni PCG spokesperson, Capt. Noemie Cayabyab gumagamit sila ng 14 na "floating assets" sa paghahanap sa mga sakay ng naturang bangka, kabilang ang Beechcraft C-90 King Air aircraft ng Philippine Navy.
Tumutulong na rin aniya sa paghahanap ang ilang lokal na mangingisda at ilang lokal na pamahalaan.
The post Bangka,12 sakay nawawala sa dagat ng Sarangani appeared first on Bandera.

No comments: