BREAKING NEWS

Anak tinawag na ‘demonyo’ ng ina nang hindi bigyan ng P250: Sumabog ako!

Anak tinawag na 'demonyo' ng ina nang hindi bigyan ng P250: Sumabog ako!

MASAMANG-MASAMA ang loob ng isang netizen sa sarili niyang ina nitong holiday season dahil sa isyu ng kaperahan.

Ibinahagi ng anak ang kanyang nararamdamang sakit sa publiko sa pamamagitan ng pagpo-post sa Facebook page na Peso Sense.

Ikinuwento ng letter sender sa mismong Bisperas ng Pasko, December 24, kung ano ang naging hudyat ng pagsabog ng kanyang damdamin.

"Sobrang sama ng loob ko sa Mama ko ngayon. Breadwinner ako ng pamilya. Tuwing sahod ko meron sila P5k sa akin ni Papa. Monthly grocery kasama ang bigas na inaabot ng P10k+. 

"Ako din nagpapa laba ng damit namin lahat para hindi na sya mapagod. Tuwing may okasyon gaya ng birthday, fiesta, pasko at bagong taon – ako halos lahat. 

"Nag bibigay din kapatid ko monthly sakanila pero hindi kasing laki ng contribution ko sa pamilya," pagbabahagi ng anak.

Pagpapatuloy pa niya, "Until ngayong umaga, humihingi si Mama sa akin ng P250 pesos. 

"Pandagdag lang daw at Ipapadala daw nya sa pamangkin nya. Panay ang chat at hingi sa kanya. 

"Hindi ko nabigyan dahil simot na din ako ngayong December. (Ako ang nag finance sa bukid ni Papa, kumuha din ako ng lupa na need mag Dp this 26th)," aniya pa.

Dito na raw sumigaw ang kanyang nanay at pinagsalitaan siya ng masasama, "Nagalit sya, masungit daw ako at plastikz. Ugaling d3m*nyo daw ako. Sa halagang P250 ito ang sasabihin sa kin? 

"Hindi ko napigilan yung sarili ko at sumabog ako. Umiyak ako sa harap nya pati sa anak ko. Lahat na binigay ko, bandang huli masungit pa pala ako?

"SOBRANG SAMA NG LOOB KO. BAKIT MAY GANITONG INA?" ang buong laman ng post ng letter sender.

Kayo mga ka-BANDERA, ano ang maipapayo n'yo sa anak pati na sa kanyang ina? 

The post Anak tinawag na 'demonyo' ng ina nang hindi bigyan ng P250: Sumabog ako! appeared first on Bandera.


Anak tinawag na ‘demonyo’ ng ina nang hindi bigyan ng P250: Sumabog ako! Anak tinawag na ‘demonyo’ ng ina nang hindi bigyan ng P250: Sumabog ako! Reviewed by pinoyako on January 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close