BREAKING NEWS

41 kabataang lalaki patay matapos magpatuli sa ‘initiation rites’ 

41 kabataan patay matapos magpatuli sa initiation rites 
Stock Photo

UMABOT na sa 41 kabataang lalaki ang nasawi matapos matuli (circumcision) sa pamamagitan ng tradisyonal na pamamaraan.

Batay sa report, ang maturang bilang ay naitala sa South Africa mula Nobyembre hanggang Disyembre nitong nagdaang 2025.

Sa ulat ng ilang international media outlets, kasabay ito ng summer initiation season sa Africa na itinuturing na isang taunang ritwal na isinasagawa ng iba't ibang etnikong grupo sa Africa, kabilang na ang Xhosa, Ndebele, Sotho, at Venda.

Ayon kay Traditional Affairs Minister Velenkosini Hlabisa, kapabayaan umano ng mga eskwelahan at ng mga magulang ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima dahil sa hindi pagsunod sa safety standards at medical advice.

Ibinuking ni Hlabisa na may mga maling paniniwala na ibinibigay sa mga sumasailalim sa ritwal, tulad ng pag-iwas sa pag-inom ng tubig para mas mabilis daw gumaling ang sugat. 

Aniya, wala itong scientific basis at itinuturing na isang delikado at mapanganib na aksyon.

Kinilala ang Eastern Cape bilang hotspot ng mga nasawi, kung saan 21 sa kabuuang bilang ng mga pagkamatay ang naitala.

Nabatid na may 41 katao na ang naaresto kaugnay sa nasabing insidente, kabilang ang ilang magulang na nagsinungaling sa tunay na edad ng kanilang mga anak.

Base sa report, dinadala ang mga tutuliing lalaki sa mga initiation school kung saan pansamantala silang ina-isolate sa kanilang community para maturuan ng mga kaugalian at responsibilidad sa pagtungtong njla sa legal age.

Pagkatapos ng naturang inisasyon, ipinagdiriwang ng komunidad ang pagbabalik ng mga kabataan sa kanilang pamilya sa isang festive ceremony.

Pero sa kasamaang-palad ay may mga namamatay dahil sa pagtutuli na bahagi ng ritwal.

Ito'y sa kabila nga ng umiiral na batas doon na nagre-regulate sa initiation schools.

The post 41 kabataang lalaki patay matapos magpatuli sa 'initiation rites'  appeared first on Bandera.


41 kabataang lalaki patay matapos magpatuli sa ‘initiation rites’  41 kabataang lalaki patay matapos magpatuli sa ‘initiation rites’  Reviewed by pinoyako on January 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close