Ogie Diaz matagal nang pinipilit mag-baby si Vice: ‘Sayang ‘yung genes mo!’

NOON pa hinihikayat ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz na magkaroon ng sariling anak ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda.
Sinasabihan na raw niya ang TV host-comedian kahit noong wala pa sa buhay nito si Ion Perez, na sana'y ikonsidera nito ang pagkakaroon ng baby na talagang masasabi niyang kanya
Sa nakaraang pisode ng YouTube vlog ni Ogie na "Showbiz Updates", napag-usapan nila ng co-host niyang si Mama Loi ang tungkol dito.
"Di ba, noong-noon pa, ikinukuwento mo na sa akin na ini-encourage mo si Meme Vice na magkaroon ng sariling anak?" ang sey ni Mama Loi kay Ogie.
"Oo. Sa pagkakatanda ko 'yon ang lagi kong sinasabi sa kaniya. At alam naman niya 'yan. Noon-noon pa," tugon ng online at TV host.
Dugtong pa ni Mama Ogs, "Siyempre ang rason ko kung bakit ko siya gustong magkaanak at magkaroon ng sariling anak e, dahil 'sayang 'yong utak mo. Sayang 'yong genes mo,' sabi ko sa kanya."
Tinalakay nina Ogie at Mama Loi ang tungkol sa pag-aanak ni Vice dahil sa naging speech ng komedyante nang magwagi itong Best Actor sa Metro Manila Film Festival 2025 Gabi ng Parangal para sa "Call Me Mother."
Sey ni Vice, matagal na nilang pangarap ni Ion na magkaroon ng anak pero palagi itong hindi natutuloy dahil sa dami ng kanyang trabaho.
"Taon-taon hindi natutuloy ang plano namin kaya parang taon-taon namamatayan din kami ng anak.
"Gusto ko na talaga maging nanay kasi gusto ko nang mag-mahal ng bata na sarili ko, na akin, na puwedeng-puwede dahil nanay na ako," aniya.
The post Ogie Diaz matagal nang pinipilit mag-baby si Vice: 'Sayang 'yung genes mo!' appeared first on Bandera.

No comments: