BREAKING NEWS

Rizal Day message ni PBBM: Bansa muna bago ang sarili!

Rizal Day message ni PBBM: Bansa muna bago ang sarili!
PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

SA paggunita ng Rizal Day ngayong araw, December 30, nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos sa mga Pilipino na isabuhay ang malasakit at unahin ang kapakanan ng bansa bago ang mga pansariling interes.

Ito, aniya, ang mga katangian ng pambansang bayani na patuloy na nagsisilbing gabay ng bansa at sambayanan.

"Today, as Filipinos demand integrity and accountability from its leaders, we look up to his life to provide us with guidance and strength," sey ng Pangulo.

Dapat daw gawing gabay ng bawat Pilipino sa kanilang pampubliko at pribadong buhay ang mga prinsipyo ng pambansang bayani.

Baka Bet Mo: Bongbong Marcos nais tularan ng lahat si Bonifacio: Let's preserve our honor!

Idiniin din ng Punong Ehekutibo na napakahalaga ng mga iniwan na leksyon ni Rizal ngayon balot sa kontrobersya ang bansa na nag-ugat sa paggamit ng pondo.

"Let our celebration deepen our resolve to live by the values he embodied: love of country, respect for truth, a tireless pursuit of just reform, and the courage to speak and act for what is right," dagdag pa niya.

Sa pagbibigay karangalan sa pambansang bayani dapat ay nararamdaman ng bawat Pilipino ang katarungan.

The post Rizal Day message ni PBBM: Bansa muna bago ang sarili! appeared first on Bandera.


Rizal Day message ni PBBM: Bansa muna bago ang sarili! Rizal Day message ni PBBM: Bansa muna bago ang sarili! Reviewed by pinoyako on December 29, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close