Rabin Angeles, Angela Muji umaming gusto ang isa’t-isa, pero wala pang label

GUSTO namin ang pagiging prangka ng magka-loveteam na Rabin Angeles at Angela Muji dahil vocal sila sa nararamdaman nila sa isa't isa.
Sa latest interview ng dalawa sa "Ogie Diaz Inspires," inamin ng dalaga na si Rabin ang inspirasyon niya sa lahat ng pagpupursige niya sa career at gayundin ang binata.
Sa kalaunan, napaamin ni Ogie na gusto nila ang isa't isa at para kay Rabin ay si Angela ang nagpapalakas ng loob niya.
"Parati po kasi akong nahihiya, ang pinaka-gusto ko lang po talaga ay umarte at nasa set lang ako, nasa isang tabi lang po ako.
Baka Bet Mo: Rabin Angeles, Angela Muji tumodo para sa Pinoy version ng 'A Werewolf Boy'
"Pero kapag may mga mall shows nahihiya po talaga ako pag maraming tao, si Angela po nagpapalakas ng loob ko," kwento ni Rabin.
Nagkasama ang dalawa sa series na "Mutya ng Section E" at hindi sila at aminado si Angela na masyado siyang clingy kay Rabin.
"I grew up studying in all-girls school, so, wala akong guy na friend at sa lahat ng girlfriends ko, I always cling to them at nu'ng naging co-worker kami ni Rabin, sobrang naging comfortable ako sa kanya kaya may times na nakaakbay ako sa kanya, naka-ganyan (nakahilig) pero wala lang 'yun, it just comes naturally at walang malisya sa akin at late ko na-realize na ang panget na palang tingnan hindi na magandang ehemplo sa mga bata, oo nga may mga batang nanonood sa amin," dire-diretsong kwento ni Angela.
Nadulas aminin ni Angela na hindi pa raw niya boyfriend si Rabin noong time na clingy siya kaya inulit ni Ogie, "nu'ng time na 'yun, iba sa time ngayon."
Natawa naman si Rabin dahil sa sinabing dalagang, "nu'ng time na 'yun."
"Natawa lang ako sa (sinabing) nu'ng time na 'yun," naniningkit ang mga matang sagot ng binata.
tinanong ni Ogie kung ano na sila sa time ngayon at parehong nagtinginan ang dalawa at parehong nagtanong ng, "ano ba?"
Dagdag ni Rabin, "Iba po kasi 'yung time na 'yun, so mga two months na po ngayon."
Tanong ni Ogie, "Two months na kayong mag-on?"
"Opo," kaswal na sagot ni Rabin.
"Ano nga po ulit 'yung question, sorry I'm lost for words," tumatawang sabi ng dalaga.
"So two months na kayo ha, ha, sa kadaldalan ni Angela (nabuking)," tanong ulit ni Ogie.
"Two months na pong we both admitted na we like eacth other. Two months na ba?
"Parang one month pa lang? Hindi po kasi kami nagbibilang," esplika ni Angela.
Ang ibig sabihin ay two months ay nag-aminan sila sa feelings nila pero hindi pa raw sila pormal na magkarelasyon.
"Naramdaman n'yo na lang ganu'n?" tanong ni Ogie.
"Opo, bigla na lang naging kami," natawang sabi ni Rabin.
"Ewan ko sa 'yo," tila saway ng dalaga.
"Ano ba ang totoo?," tanong ulit ni Ogie sa binata.
"'Yun nga po, two months ago naging kami na," diretsong sagot nito.
Bakit si Angela ang nagustuhan ni Rabin hindi ang ka-loveteam niya sa series.
"Bata pa po ako nakikita ko na si Angela sa studio tapos parati akong nagpapansin sa kanya, lagi ako kumukuha ng tubig para magpa-pansin," balik-tanaw ni Rabin.
May practice raw si Angela kasama ang ka-grupo niya sa P-Pop Generation pero hindi naman daw napapansin ng dalaga ang partner niya ngayon.
"Pinagsasabihan po kaming bawal makipag-usap sa lalaki at makihalubilo kahit kaninong lalaki kasi rule po ng girl group, bawal ang boyfriend," esplika ni Angela.
First girlfriend ni Rabin si Angela at pangatlo naman siya ng dalaga.
Hirit ni Angela, "Pero hindi pa naman po kami officially together to be clear lang po (napapangiti si Rabin). Parang alam lang po namin na we like each other pero we don't have label or anything."
"Teka naguluhan ako sa iyo, sa walang label, pero para sa kanya girlfriend na, tama? (tanong kay Rabin)," tanong ni Ogie.
Muling sinabi ni Angela na gusto niya si Robin, pero mutual understanding lang daw sila.
Kami rin ay naguluhan pero gets na namin na baka nga bawal silang umamin na sila na dahil nga may series sila at iba ang partner ni Rabin, si Ashtine Olviga.
Pero sina Rabin at Angela ang magkasama naman sa pelikulang "A Werewolf Boy" (Philippine adaptation) na mapapanood sa January 2026 mula sa direksyon ni Crisanto Aquino handog ng Viva Films, Studio Viva, at CJ ENM.
The post Rabin Angeles, Angela Muji umaming gusto ang isa't-isa, pero wala pang label appeared first on Bandera.

No comments: