Nawawalang bride-to-be natagpuan sa Pangasinan: ‘Alive and well’

NATAGPUAN sa Pangasinan ang nawawalang bride-to-be na si Sherra de Juan, ayon sa Quezon City Police District (QCPD) nitong Lunes ng hapon, December 29.
Huling nakita si Sherra bandang alas-1:30 ng hapon noong December 10 sa may kanto ng Commonwealth Avenue at Atherton Street sa North Fairview, Quezon City.
Nakatakda sana siyang ikasal sa kanyang fiancé na si Mark Arjay Reyes noong December 14.
"Earlier… Ms. Sherra's boyfriend and brother went to the police station [in Fairview] and reported that they received a call saying that Ms. Sherra was found in… Pangasinan," pahayag ni QCPD Director Col. Randy Glenn Silvio sa isang panayam sa Camp Karingal na iniulat ng INQUIRER.
Baka Bet Mo: Ina ng missing bride-to-be umapela: Ibalik n'yo na po siya sa akin nang maayos
Hindi pinangalanan ng QCPD ang taong nagbigay ng impormasyon, ngunit sinabi ni Silvio na nakipag-ugnayan umano ito online sa pamilya ni Sherra, na kalaunan ay nagkumpirma na siya nga ang nawawalang bride-to-be.
Sa hiwalay na post sa social media, inanunsyo ng QCPD na bumiyahe na patungong Pangasinan ang mga tauhan ng Fairview Police Station kasama ang pamilya ni Sherra upang sunduin siya.
Ayon naman sa QCPD Public Information Office, bandang alas-4 ng hapon nang matagpuan ng mga pulis si Sherra sa bayan ng Sison, Pangasinan.
"Our instruction was to pick her up and have the medical officer check if she is at home and determine what medical attention she needs," paliwanag ni Silvio.
Kinumpirma rin ng QCPD director na ang missing bride-to be ay "alive and well."
"She has made some revelations, but they are not yet consistent. Perhaps we will address them later. Once she is here, we will interview her. She might just be tired," dagdag pa niya.
Matatandaang mula nang mawala si Sherra, humingi ng tulong sa publiko ang kanyang fiancé na si Mark sa pamamagitan ng social media upang siya ay mahanap.
Nag-alok din siya ng P150,000 na pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan nito.
The post Nawawalang bride-to-be natagpuan sa Pangasinan: 'Alive and well' appeared first on Bandera.

No comments: