BREAKING NEWS

QCPD: Wala pang krimen sa pagkawala ng bride-to-be

QCPD: Wala pang krimen sa pagkawala ng bride-to-be
PHOTO: Screengrab from Facebook/INQUIRER.net

NILINAW ng Quezon City Police District (QCPD) na wala pang maituturing na krimen sa pagkawala ni Sherra de Juan, ang bride-to-be na nawala ng dalawang linggo at natagpuan noong December 29 sa Sison, Pangasinan.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni QCPD Spokesperson Maj. Jennifer Gannaban, walang ebidensiya na magpapatunay na may nangyaring krimen sa pagkawala ni Sherra.

Sabi niya, sa ngayon ay nagpapahinga at nagpapalakas pa ang nawalang bride-to-be at kukuhanan ito ng salaysay kapag handa na.

Baka Bet Mo: Nawawalang bride-to-be natagpuan sa Pangasinan: 'Alive and well'

Naka-uwi si Sherra sa kanilang bahay pasado ala-1 ng madaling araw kanina at tumanggi ang kanyang pamilya na magbigay ng pahayag ukol sa kanyang pagkawala.

Nilinaw din ni Gannaban na itinuring na "person of interest" sa kaso si Mark Arjay Reyes, ang kasintahan ni Sherra, dahil marami itong impormasyon na maaaring makatulong sa imbestigasyon.

Idiniin ni Gannaban na hindi itinuring na suspek si Mark sa biglang pagkawala ng kanyang kasintahan noong December 10.

Nagkaroon ng hinala ang mga imbestigador na dumanas ng matinding problema sa pera si Sherra.

The post QCPD: Wala pang krimen sa pagkawala ng bride-to-be appeared first on Bandera.


QCPD: Wala pang krimen sa pagkawala ng bride-to-be QCPD: Wala pang krimen sa pagkawala ng bride-to-be Reviewed by pinoyako on December 29, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close