BREAKING NEWS

Nasaan ang iba? 8 lang sa 100 batang may kapansanan ang nakakapag-aral

Nasaan ang iba? 8 lang sa 100 batang may kapansanan ang nakakapag-aral

SA Pilipinas, hindi pantay ang access sa edukasyon, lalo na sa kalagayan ng mga batang may kapansanan.

Sa ngayon, walo lang sa bawat 100 ang naka-enroll sa pampublikong paaralan.

May 5.1 million batang may kapansanan sa Pilipinas, pero mahigit 390,000 lang ang nag-aaral, ayon sa EDCOM II.

Marami sa kanila ang hindi nakakapasok sa paaralan dahil kulang ang pasilidad, kulang ang guro, at kulang ang suporta.

Baka Bet Mo: Vice Ganda gigil mode sa kakulangan ng classrooms: Saan papunta ang bansang ito?!

Isa sa mga tumutulong sa kakulangang ito ang Patriarch Foundation, na nakatuon sa mga batang may kapansanan, lalo na ang mga bulag at mula sa mahihirap o kapos-palad na pamilya.

Kabilang sa mga proyekto ng foundation ang pagsasaayos at pagtatayo ng mga silid-aralan at palaruan para sa School for the Blind sa Pasay City, na natapos pa bago ang pandemya.

Mayroon din itong scholarship assistance para matulungan ang mga batang manatili sa paaralan at ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ayon kay Neal Gonzales, pangulo ng MGNP Incorporated, ang sister company ng Patriarch Foundation, mahalaga ang tuloy-tuloy na suporta.

"Hindi sapat ang minsanang tulong. Kung gusto nating manatili sa paaralan ang mga batang may kapansanan, kailangan tuloy-tuloy ang suporta," ani Gonzales.

Ayon sa Patriarch Foundation, itutuloy nito ang pagsuporta sa edukasyon ng mga batang may kapansanan, upang mas marami ang magkaroon ng tsansang makapag-aral.

The post Nasaan ang iba? 8 lang sa 100 batang may kapansanan ang nakakapag-aral appeared first on Bandera.


Nasaan ang iba? 8 lang sa 100 batang may kapansanan ang nakakapag-aral Nasaan ang iba? 8 lang sa 100 batang may kapansanan ang nakakapag-aral Reviewed by pinoyako on December 29, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close