BREAKING NEWS

QC star-studded pagsalubong sa 2026, nagpaalala sa ligtas na paputok

QC star-studded pagsalubong sa 2026, nagpaalala sa ligtas na paputok
PHOTO: Facebook/Quezon City Government

HANDA na ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon City na salubungin ang 2026 sa dalawang malalaking New Year countdown celebrations!

Mangyayari na 'yan sa Quezon Memorial Circle (QMC) at Nova Park sa Novaliches mamayang gabi ng December 31.

Tampok sa mga pagdiriwang ang live concerts at fireworks display para sa masaya at makulay na pagsalubong sa Bagong Taon.

"Nais nating salubungin ang 2026 nang maliwanag, masaya, at ligtas. Sa panibagong taon, muli naming ipinapangako na patuloy na magsisilbi at magsisikap ang buong pwersa ng lokal na pamahalaan para sa ikabubuti ng ating QCitizens," pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

Magsisimula ng alas-4:00 ng hapon ang New Year Countdown sa Quezon Memorial Circle. 

Baka Bet Mo: PAALAM 2025: Pinoy stars na nagmarka sa Int'l projects ngayong taon

Magtatanghal sa entablado ang Kamikazee, Gloc-9, The Itchyworms, Streetboys, Mayonnaise, Angeline Quinto, Lola Amour, Dilaw, Soapdish, Reese Lansangan, at DJ Mike Lavet. 

Magiging hosts naman sina Allan K, Pokwang, Super Tekla, Donnalyn Bartolome, Donita Nose, Uma Rojo, at Camil.

Para naman sa mga residente ng hilagang QC, may handog ding salubong sa bagong bukas na Nova Park. 

Magtatanghal doon sina Angeline Quinto, John Roa, Bayang Barrios at ang Naliyagan, Ronnie Liang, Jennica Garcia, Pixie P-Pop Band, Von Martino & NXTSTAGE, Jeremy Glinoga, at Khimo Gumatay. 

Sina Super Trix at Tyang Maria ang mangunguna sa countdown sa Novaliches.

Para sa maayos at ligtas na selebrasyon, mahigit 3,000 tauhan ang ide-deploy ng Quezon City Law and Order Council sa dalawang venue, kabilang diyan ang DPOS, TTMD, Task Force Disiplina, at QCPD. 

Naka-standby rin ang mga emergency medical team mula sa QCDRRMO at City Health Department.

"Iisa ang aming hangad—isang lungsod kung saan lahat ay kasali at walang maiiwan sa pag-unlad ngayong bagong taon," dagdag ni Mayor Belmonte.

May libreng sakay din ang QCity Bus sa walong ruta mula 1:00 p.m. ng December 31 hanggang 2:00 a.m. ng January 1, 2026 para mas madali ang biyahe ng mga dadalo.

Bilang suporta sa mga programang pangkalikasan, hinihikayat ang publiko na magdala ng sariling tumbler dahil may libreng water refill stations sa parehong venue.

Paalala rin ng QC Government na sundin ang mga patakaran sa paggamit at pagbebenta ng paputok at pyrotechnic devices. 

Sa ilalim ng City Ordinance No. SP-3233, S-2023, mahigpit na ipinagbabawal ang walang pahintulot na fireworks display at ang paggamit ng paputok sa mga pribado, residential man o hindi.

Tanging ang mga designated areas na may valid permit at clearance mula sa DPOS at Bureau of Fire Protection ang pinapayagang magsagawa ng fireworks display. 

Gayundin, mga indibidwal o establisimyento lamang na may special permit mula sa BPLD o hawker's permit mula sa MDAD ang maaaring magbenta ng paputok.

Magkakaroon ng kaukulang multa at parusa ang sinumang lalabag sa mga alituntunin sa Quezon City.

The post QC star-studded pagsalubong sa 2026, nagpaalala sa ligtas na paputok appeared first on Bandera.


QC star-studded pagsalubong sa 2026, nagpaalala sa ligtas na paputok QC star-studded pagsalubong sa 2026, nagpaalala sa ligtas na paputok Reviewed by pinoyako on December 30, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close