BREAKING NEWS

Mananaya milyonaryo sa pagpasok ng 2026, P19-M jackpot prize sa lotto nakuha

Bagong lotto milyonaryo sa pagpasok ng 2026, P19-M jackpot prize nakuha
INQUIRER file photo

MAGANDA ang pasok ng Bagong Taon sa isang mananaya na tinamaan ang P19 million jackpot prize sa Lotto 6/42 draw kagabi, December 30.

Sa abiso mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), residente ng Barangay Unang Sigaw sa Balintawak, Quezon City ang bagong lotto milyonaryo.

Nakuha niya ang nanalong kombinasyon na 06-32-29-24-37-04.

Mababawasan lamang ng 20% tax ang premyo na P19,004,723.60 at ito ay maaari lamang makuha sa  PCSO main office sa Mandaluyong City.

Baka Bet Mo: Paskong paldo: P13.8-M jackpot sa Mega Lotto 6/45 napanalunan sa Tarlac

Samantala, may 19 na mananaya ang nanalo ng P24,000 bawat isa matapos mahulaan ang lima sa anim na nabunot na numero; 955 na mananaya naman ang nanalo ng tig-P800 dahil sa nakuhang apat na numero at 17,674 na mananaya ang may P20 bawat isa dahil sa nahulaan na tatlo sa anim na lumabas na numero.

Hinikayat ni PCSO General Manager Mel Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro para sa kanilang mga programang pang-kalusugan at kawanggawa.

The post Mananaya milyonaryo sa pagpasok ng 2026, P19-M jackpot prize sa lotto nakuha appeared first on Bandera.


Mananaya milyonaryo sa pagpasok ng 2026, P19-M jackpot prize sa lotto nakuha Mananaya milyonaryo sa pagpasok ng 2026, P19-M jackpot prize sa lotto nakuha Reviewed by pinoyako on December 30, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close