Jessica Sanchez excited sa paanyaya ni PBBM sa ASEAN Summit 2026

BUMISITA sa MalacaƱang ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez matapos siyang imbitahan ni Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos sa isang courtesy call.
Sa kanilang pagkikita, binati ni Pangulong Marcos ang singer dahil sa kanyang pagkapanalo sa America's Got Talent 2025 na nagbigay ng karangalan sa bansa.
"You made us all very, very proud," sey ni Marcos kay Sanchez.
Hindi lang iyon, inanyayahan din siya ng pangulo na mag-perform sa nalalapit na ASEAN Summit, pati na rin sa ilang pagtitipon nito sa 2026.
Baka Bet Mo: Vice sa pagkapanalo ni Jessica sa AGT: Sa Pilipinas lang talo ang Pilipino!
"We'll be in Cebu. You have to do a tour around the Philippines so that everybody can see you. We only saw you on TV," dagdag pa ni Marcos.
Masayang tinanggap ni Jessica ang paanyaya at sinabing: "I'm very excited for that. I think I need some time to really plan out what I'm gonna be singing because I'll be representing the Filipinos, so I wanna take my time figuring out my song choices."
Kasabay ng kanyang pagbisita sa bansa, siya ang magiging headline performer ng The Grand Countdown to 2026, isang New Year's Eve celebration sa Manila Marriott Grand Ballroom sa Pasay City, na inorganisa ng Newport World Resorts.
Ito rin ang kauna-unahang major performance ni Jessica sa Pilipinas mula nang manalo sa America's Got Talent at ang kanyang unang homecoming concert matapos ang international competition.
The post Jessica Sanchez excited sa paanyaya ni PBBM sa ASEAN Summit 2026 appeared first on Bandera.

No comments: