BREAKING NEWS

48% Pinoy hindi nasisiyahan sa pamumuno ni Bongbong Marcos –Pulse Asia

48% Pinoy hindi nasisiyahan sa pamumuno ni Bongbong Marcos –Pulse Asia
PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

HALOS kalahati ng mga Pilipino ang hindi nasisiyahan sa pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos sa nakaraang quarter.

Ayon sa survey ng Pulse Asia ngayong December 2025, may 48% disapproval rating si Marcos ngayong buwan, bahagyang tumaas mula sa 44% noong Setyembre.

Samantala, tumaas naman ng isang porsyento ang approval rating niya, na umabot sa 34%, habang 18% ng mga respondent ay undecided.

Ipinakita rin ng survey na 47% ng adult Filipinos ay hindi nagtitiwala kay Pangulong Marcos, 32% ang may tiwala, at 21% ang undecided.

Baka Bet Mo: Rizal Day message ni PBBM: Bansa muna bago ang sarili!

Sa kabilang banda, higit sa kalahati ng adult population o mga respondent (56%) ay may "positive assessment" kay Vice President Sara Duterte, habang 24% ang "disapprove of her work."

Ganun din, higit sa kalahati (54%) ng adult Filipinos ang nagtitiwala sa bise presidente, 24% ang hindi nagtitiwala, at 22% ay undecided.

Ayon sa Pulse Asia, isinagawa ang survey mula December 12 hanggang 15 gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 adults na may edad 18 pataas.

The post 48% Pinoy hindi nasisiyahan sa pamumuno ni Bongbong Marcos –Pulse Asia appeared first on Bandera.


48% Pinoy hindi nasisiyahan sa pamumuno ni Bongbong Marcos –Pulse Asia 48% Pinoy hindi nasisiyahan sa pamumuno ni Bongbong Marcos –Pulse Asia Reviewed by pinoyako on December 30, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close