Dennis Trillo binarag epal na basher: E, ano naman kung bading? May problema?

BINARAG ng award-winning Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang isang basher na tumawag sa kanyang "bading".
Nag-post ang mister ni Jennylyn Mercado sa kanyang Instagram account ng isang video na kuha sa entertainment at arcade center sa isang mall.
Dito mapapanood ang paglalaro ni Dennis sa isang boxing arcade machine kung saan ibinandera niya ang husay sa pagsuntok at pagsapak.
"Kanina pa ako nanggi-gigil dito eh," ang inilagay niyang caption sa IG post.
Maraming pumuri sa galing ni Dennis sa pagboboksing at nagsabing mukhang may future rin siya sa naturang sports tulad ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
"Sana pwedeng gawin legal yang ganyan tapos yung kurakot na Congressman ang nakabitin hahaha."
"Manny Pacquiao pasok."
"lakas pala sumuntok ni idol Dennis trillo."
"Lakas mo talaga Dines!"
Iyan ang ilan sa mga comments ng netizens. Pero may may isa ngang epal na netizen na nambengga sa Kapuso star at lantaran siyang tinawag na "bading."
Hindi ito pinalampas ni Dennis at talagang niresbakan ang basher, "Eh ano naman kung bading? May problema ka sa mga bading? Mga beshie, kayo na bahala dito kay (name ng netizen) ha?"
Ipinagtanggol din ng mga IG users si Dennis sa naturang hater at nagpatunay na lalaking-lalaki raw para sa kanila ang aktor pero hindi maitatangging epektib din itong gumanap na bading sa mga pelikula at teleserye.
Sa katunayan, sa una niyang pagganap bilang transgender woman sa pelikulang "Aishite Imasu 1941: Mahal Kita" na nagiing entry sa Metro Manila Film Festival 2004, ay nanalo pa siyang Best Supporting Actor.
Bukod dito, nanalo rin siyang Breakthrough Performance by an Actor at Best Actor sa iba pang award-giving bodies.
Noong 2013 nagmarka rin ang gay role niya sa GMA series na "My Husband's Lover" kasama sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
The post Dennis Trillo binarag epal na basher: E, ano naman kung bading? May problema? appeared first on Bandera.

No comments: