BREAKING NEWS

Ilang bahagi ng bansa ngayong bisperas ng 2026 magiging basa

Ilang bahagi ng bansa ngayon bisperas ng 2026 magiging basa

MAGDUDULOT ng pag-ulan ngayon bisperas ng Bagong Taon ang amihan at ang hangin na nagmumula sa silangan, ayon sa  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 4 a.m. weather bulletin, maaapektuhan ng amihan ang Hilaga at Gitnang Luzon, samantalang maaapektuhan ng "easterlies" ang panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayon araw.

Magiging maulap at may kalat-kalat na pag-ulan sa Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.

Ang natitirang bahagi ng Bicol Region, ang Visayas at Palawan ay posible din makaranas ng mga pag-ulan.

Magiging maulap naman na may pag-ambon ang maaasahan sa Mindanao at natitirang bahagi ng Mimaropa Region.

Samantala, ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon ay maaring makaranas ng maulap na papawirin at mahinang pag-ulan dahil sa amihan.

The post Ilang bahagi ng bansa ngayong bisperas ng 2026 magiging basa appeared first on Bandera.


Ilang bahagi ng bansa ngayong bisperas ng 2026 magiging basa Ilang bahagi ng bansa ngayong bisperas ng 2026 magiging basa Reviewed by pinoyako on December 30, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close