BREAKING NEWS

Call Me Mother, SRR: Evil Origins, UnMarry nangunguna pa rin sa MMFF 2025

'Call Me Mother', 'SRR: Evil Origins', 'UnMarry' nangunguna pa rin sa takilya

SA ikalimang araw (December 30) ng 51st Metro Manila Film Festival ay hindi nagbago ang ranking ng Top 4 movies – "Call Me Mother", "Shake Rattle & Roll: Evil Origins", "Unmarry" at "Bar Boys: After School."

Ayon sa aming source ay aabot na ng P200 million ang kita ng pelikula ni Vice Ganda mula sa Star Cinema, Viva Films at IdeaFirst Company na habang sinusulat namin ang balitang ito ay palabas pa rin sa mahigit 200 cinemas nationwide.

Nagulat kami sa tsika sa amin dahil bahagyang humina ang "SRR: Evil Origins," "Konti lang ang dagdag sa gross, pababa na." Sabagay wala kaming balita kung nadagdagan sila ng sinehan.

Ang "UnMarry" ay patuloy na umaarangkada at huling sabi sa amin ay nasa 120 cinemas na ito palabas mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Close fight ang "UnMarry" at "Bar Boys:  After School" na nagdagdag ng pitong sinehan kahapon na kung hindi kami nagkakamali ay nasa 109 cinemas na ito mapapanood pero walang binanggit kung magkano na ang gross.

Nananatiling nasa ikalimang puwesto ang "Love You So Bad" at humina rin daw ng bahagya ang benta ng tickets kumpara sa unang araw na parang nangangarera. 

Hindi pa namin napapanood ang pelikula nina Will Ashley, Dustin Yu at Bianca de Vera kaya wala kaming maikokomento pero base sa feedback sa amin ay cute at nakakakilig ito.

Umakyat sa ikaanim na puwesto ang "I'm Perfect" nina Jessica at Jiro mula sa Nathan Studios at malaking tulong ang pagkapanalo ng una bilang Best Actress sa Gabi ng Parangal.

Sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino ay ngayon lang may nagwaging person with down syndrome, bukod dito ay nakamit pa ng pelikula ang Best Picture kaya na-curious ang mga tao kaya mega-watch sila ng pelikula ni Direk Sigrid Andrea Bernardo.

Bumaba ang "Manila's Finest" na dating nasa ikaanim na ngayon ay pangpito na at mukhang hindi gusto ng tao na hindi nagwaging best actor si Piolo Pascual bukod pa sa umabot sa 8 awards ang natanggap ng pelikulang produced ng MQuest Ventures at Spring Films.

Nasa pangwalong pwesto pa rin ang "Rekonek" nina Gerald Anderson, Bela Padilla, pamilya Legaspi headed by Zoren, Carmina, Mavy at Cassy.

Bukod sa kulelat na ay wala pang naiuwing award ang "Rekonek" dahil nahirapang kumonek ang manonood sa kuwento ng pelikula.

Sabi ng aming source, "Kawawa naman si 'Ge (tawag kay Gerald) dahil hard earned money niya raw ang ginastos niya para mabuo ang Rekonek mula sa Reality/MM Studios."

Anyway, sana'y mabawi ni 'Ge ang ginastos niya sa buong pelikula.

The post Call Me Mother, SRR: Evil Origins, UnMarry nangunguna pa rin sa MMFF 2025 appeared first on Bandera.


Call Me Mother, SRR: Evil Origins, UnMarry nangunguna pa rin sa MMFF 2025 Call Me Mother, SRR: Evil Origins, UnMarry nangunguna pa rin sa MMFF 2025 Reviewed by pinoyako on December 30, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close