BREAKING NEWS

Marian Rivera sa paglalakad ni Kiray Celis patungong altar: Wag kang iiyak

Marian Rivera sa paglalakad ni Kiray Celis patungong altar: Wag kang iiyak
Kiray Celis, Stephan Estopia, Marian Rivera at Dingdong Dantes

NAGING malaking bahagi ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kasal nina Kiray Celis at Stephan Estopia last December 13.

Naganap ang wedding ng komedyana at ng husband niyang negosyante sa Shrine of St. Therese of the Child Jesus sa Newport City Complex, Pasay City.

Maraming nakapansin sa style ng paglalakad ni Kiray sa kanyang star-studded na kasal. Bukod daw sa pagiging elegante ay star na star daw ang kanyang pagrampa patungong altar.

Ayon sa komedyana, nanghingi raw siya ng tips sa paglalakad papuntan sa altar kay Marian na isa sa mga tumayong ninang nila ni Stephan.

Kuwento ni Kiray sa guesting niya sa "Fast Talk with Boy Abunda", sobrang kalmado lang daw siya sa paglalakad, lalo't umaabot ng 10 kilo ang tatlong yarda niyang train, at Lily of the Valley na bouquet.

"Ang una kong hiningan ng payo, Marian Rivera. Sabi ko, 'Ate, naiiyak na 'ko, paano 'yung kalmado, paano 'yung ganyang mukha?' 

"Sabi niya, 'Wag kang iiyak kasi 'yan 'yung pinakamasaya sa buhay mo na mangyayari.' Sabi niya, 'Basta masaya lang, masaya lang,'" ang chika ni Kiray.

Ang advice raw sa kanya ni Ninang Marian, i-enjoy lang ang kanyang moment habang naglalakad patungo sa altar.

Inamin ng actress-entrepreneur na habang naglalakad siya ay kinakanta naman ni Angeline Quinto ang kanilang wedding song na "'Til I met You" ay naiiyak na siya at gusto nang mag-break down.

"At saka po pinipilit nila, kasi po meron akong pocket sa wedding gown. Nilagyan nila 'yun ng tissue. 

"Sabi ng designer ko, 'Pag gumanu'n ka, baka may lumabas sa pocket, papangit 'yung gown mo. Hawakan mo na lang sa bouquet.' 

"E, ang bigat nga po ng bouquet ta's ang laki, e ang liit ng kamay ko, Tito Boy. Binalik ko 'yung tissue, sabi ko, 'Hindi ako iiyak,'" ani Kiray.

In fairness, nakaya naman niyang hindi mag-cry hanggang sa makarating na siya sa altar.

The post Marian Rivera sa paglalakad ni Kiray Celis patungong altar: Wag kang iiyak appeared first on Bandera.


Marian Rivera sa paglalakad ni Kiray Celis patungong altar: Wag kang iiyak Marian Rivera sa paglalakad ni Kiray Celis patungong altar: Wag kang iiyak Reviewed by pinoyako on December 30, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close