Angelica Panganiban ipamamana kay Barbie ang ‘Rubi’: Keri niyang bumakla!

BILIB na bilib ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa pagiging mahusay na aktres ni Kapuso Primetime Drama Princess Barbie Forteza.
Shookt si Barbie nang marinig ang mga papuri sa kanya ni Angelica na nagsabing payag na payag itong ipamana sa kanya ang iconic character niya sa ABS-CBN series na "Rubi."
Napanood namin ang isang TikTok video na kuha mula sa yearend special ng "Dog Show Divas" kung saan sumabak si Angelica bilang special guest.
"Kung iri-remake natin ang Rubi at ikaw ang magpapasa ng korona sa bagong Rubi, sino kaya sa tingin mo ang next (Rubi)?" ang diretsahang tanong ng isa sa mga host na si Baus Rufo.
Tugon ni Angelica, "Alam mo kasi, napanood ko 'yong 'Kontrabida Academy,' nagalingan ako kay Barbie Forteza.
"So, isa siya sa mga pwede kong pagpasahan kasi parang kaya niyang bumakla, kaya niyang magpatawa rin, at magaling siyang magdrama," sey pa ng Kapamilya actress.
Mabababasa naman sa iniwang comment ni Barbie sa nasabing post, "Hala!" Na tila hindi makapaniwala sa naging pahayag ni Angelica.
Napanood ang "Rubi" noong 2010 na halaw mula sa 2004 Mexican series na may kaparehong pamagat.
Umikot ang kuwento nito kay Rubi, isang ambisyosang babae na handang gawin ang lahat upang matakasan ang kinagisnang kahirapan.
The post Angelica Panganiban ipamamana kay Barbie ang 'Rubi': Keri niyang bumakla! appeared first on Bandera.

No comments: