Jeraldine Blackman nagluluksa, tatay pumanaw sa mismong araw ng Pasko

NAPAKASAKIT ng pag-iyak ng content creator na si Jeraldine Blackman nang ibalita niya sa publiko ang pagpanaw ng kanyang amang si Francisco Dispo.
Hindi napigilan ng Filipino-Australian vlogger ang maging emosyonal sa ginawa niyang video na ipinost niya sa Instagram patungkol sa pagkamatay ng tatay niya.
Ayon kay Jeraldine, mismong araw ng Pasko sumakabilang-buhay ang tatay niya na noong July, 2025 lamang niya nakita makalipas ang dalawang dekada.
"Life sucks so much. My father, that I've only seen on July, that haven't met for more than 20 years just passed away on Christmas Day," ang simulang pahayag ni Jeraldine.
"I grew up in the Philippines. I was born in 1992. I don't have any memories with my father. I wish I were able to get to know him better," ang lumuluha niyang kuwento.
Sa isa pang video na ibinahagi niya sa kanyang social media followers, nabanggit ni Jeraldine na hindi na raw muna niya ipinaalam sa kanyang mga anak ang tungkol sa pagpanaw ng kanilang lolo.
"I am not yet going to tell them about him. Maybe one day. I told myself I was going to introduce and let the kids know about him when they are older," sabi ng social media personality.
Sinabi rin ni Jeraldine sa kanyang video na uuwi siya ng Pilipinas mula Australia para makita ang kanyang namayapang ama sa huling pagkakataon.
Nakilala si Jeraldine kasama ang kanyang ex-husband na si Josh Blackman sa mga nakaaaliw at pampa-goodvibes nilang mga content sa dati nilang mga social media accounts.
The post Jeraldine Blackman nagluluksa, tatay pumanaw sa mismong araw ng Pasko appeared first on Bandera.

No comments: