BREAKING NEWS

GMA may pa-thanksgiving sa star-studded Kapuso Countdown to 2026

GMA may pa-thanksgiving sa star-studded Kapuso Countdown to 2026

BILANG pasasalamat sa patuloy na pagmamahal at suporta ng Kapuso fans sa nagdaang taon, handog ng GMA 7 ang isang makulay na selebrasyon para salubungin ang Bagong Taon.

Abangan at tutukan ang "Kapuso Countdown to 2026," isang star-studded thanksgiving celebration na magaganap ngayong Disyembre 31.

Babandera ang inaabangang event sa SM Mall of Asia Seaside Boulevard, kung saan magsasama-sama ang ilan sa pinakamalalaking Kapuso stars para sa isang gabi ng saya, musika, at pasabog na performances. 

Mangunguna sa pagdiriwang sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Christian Bautista, Rocco Nacino, Betong Sumaya, Angel Guardian, Faith da Silva, and Kyline Alcantara. 

Para sa mga manonood at fans ng Kapuso stars, maaari nang pumunta ng 6:00PM para panoorin ang lantern parade na susundan ng pre-show mula sa international singer na si Bonnie Bailey kasama ang GMA Music artists na sina Plume at Vilmark.

Mas paiinitin pa ang gabi ng mga paboritong former housemates ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" na sina Will Ashley, AZ Martinez, Charlie Fleming, Vince Maristela, Marco Masa, Eliza Borromeo, Waynona Collings, at Lee Victor. 

Sila rin ang mangunguna sa kauna-unahang lantern parade, tampok ang makukulay na parol na hango sa mga kilalang programa ng GMA.

Rarampa rin sa entablado si Miss Grand International 2025, Emma Tiglao at mas pagniningningin ang gabi matapos ang kaniyang pagkapanalo na isang back-to-back victory sa international stage.

Asahan din ang all-out dance performances mula sa Stars on the Floor Ultimate Dance Star Duo na sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi, kasama ang celebrity at digital dance stars na sina Joshua Decena, JM Yrreverre and Kitty & Kakai Almeda.

Hindi rin magpapahuli ang world-class musical performances mula sa powerhouse singers ng GMA na sina Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Naya Ambi, Tala Gatchalian, John Rex, Jong Madaliday, Anthony Rosaldo at Tanghalan ng Kampeon 2025 Grand Champion Bjorn Morta, na maghahandog ng isang pasabog na performance para sa live audience at maging sa mga nanonood mula sa kanilang tahanan. 

Hahataw din ang P-Pop energy sa Kapuso Countdown stage, dahil handa nang maghatid ng kilig ang grupong 1621. 

Isa sa mga highlight ng gabi ay ang sorpresang handog ng SM Mall of Asia mula sa inaabangang fan-favorite at K-Pop group na AHOF. 

Susundan naman ito ng taunang countdown sa Bagong Taon kasama ang lahat ng Kapuso stars na present sa selebrayason sa isang bonggang fireworks display na matutunghayan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Isa sa mga aabangan ng live audience at home viewers ang pag-anunsyo ng mga mananalo sa kauna-unahang GMANetwork.com Awards. 

Kabilang sa mga parangal ang New Kapuso Male and Female Star of the Year, Kapuso Male and Female Teen Star of the Year, Kapuso Couple and Love Team of the Year, Daytime and Primetime Drama Series of the Year, Kontrabida of the Year, and Comedian of the Year.

Damhin ang saya at diwa ng Pasko at Bagong Taon habang sabay-sabay na sinasalubong ng GMA Network at ng solid Kapuso fans ang 2026. 

Mapapanood ang "Kapuso Countdown to 2026" sa December 31, 10:30 p.m. sa SM MOA Seaside Blvd., Pasay City. Libre ang admission at magsisimulang magpapasok ng live audience ganap na 6 p.m.

The post GMA may pa-thanksgiving sa star-studded Kapuso Countdown to 2026 appeared first on Bandera.


GMA may pa-thanksgiving sa star-studded Kapuso Countdown to 2026 GMA may pa-thanksgiving sa star-studded Kapuso Countdown to 2026 Reviewed by pinoyako on December 30, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close