BREAKING NEWS

True ba, rambutan, saging, ’13’ may bitbit na malas sa pagsalubong sa 2026?

True ba, rambutan, saging, '13' may bitbit na malas sa pagsalubong sa 2026?

KUNG may mga prutas at mga bagay-bagay na sinasabing pampaswerte sa pagsalubong sa Bagong Taon, meron ding dapat iwasan para kontra-kamalasan.

Ayon sa mga feng shui expert, may mga prutas daw na hindi dapat ihanda tuwing Media Noche at meron ding mga bagay na nakasanayan nang gawin pero dapat iwasan sa pagpasok ng 2026.

Nagkakaisa ang mga feng shui expert sa pagsasabing korek na korek ang nakaugalian na nating paghahanda ng 12 klase ng prutas sa Bagong Taon.

Kumakatawan daw kasi ito sa 12 buwan sa isang taon at ang bilog na prutas ay sumisimbolo sa gulong ng palad na paikot-ikot lamang.

Maswerte ang mga prutas tulad ng kiat-kiat o mandarin oranges ngunit dapat daw ay pinagugulong ang mga ito papasok ng bahay sa pagsapit ng New Year para papasok din ang pagdating ng swerte.

Isa raw sa mga prutas na dapat munang iwasang ihanda sa pagsalubog ng Bagong Taon ay ang rambutan na tila may mga tinik, pati na rin ang saging.

Sabi ng mga feng shui expert, ang piling daw kasi ng saging kapag binaliktad ay parang palad ng kamay na humihingi o nanlilimos kaya hindi raw ito magandang senyales.

Pak na pak naman daw ang maghanda ng pinya dahil bukod sa may "korona" ito, ang salitang pinya sa Chinese ay kasingkahulugan ng swerte.

May warning din para sa mga taong sa halip na 12 klase ng prutas ang inihahanda ay ginagawa itong 13, para raw sa bonggang 13th month pay.

Pero sabi ng isang eksperto, sa numerology ng feng shui, ang number 13 ay binubuo ng "1" at "3" na kapag pinagsama ay "4" na sa wikang Chinese ay kasingtunog ng salitang "patay."

Narito ang ilan pang swerte tips na maaari n'yong gawin sa Bisperas ng Bagong Taon.

1. Maglagay ng pulang envelope na may lamang walong coins ng lumang limang piso na kulay ginto sa lamesa katabi ng mga prutas

Ang ginto raw ay kumakatawan sa pag-unlad habang ang "8" ay simbolo rin ng "infinity" o walang katapusan.

2. After salubungin ang 2026, ihalo ang mga prutas sa malalagkit na pagkain tulad ng tikoy at kalamay. 

Sumisimbolo raw ito sa malagkit na swerte at mas malakas na ugnayan sa pamilya at iba pang uri ng relasyon.

3. Sa halip na magpaputok, mag-alay na lamang ng panalangin para sa kaligtasan at kasaganahan ng bawat isa sa Bagong Taon

Pero siyempre mga ka-BANDERA, nasa inyo pa ring mga kamay ang inyong magiging kapalaran, ang lahat ng ito ay gabay lamang sa pagtaboy ng mga malas at kanegahan.

The post True ba, rambutan, saging, '13' may bitbit na malas sa pagsalubong sa 2026? appeared first on Bandera.


True ba, rambutan, saging, ’13’ may bitbit na malas sa pagsalubong sa 2026? True ba, rambutan, saging, ’13’ may bitbit na malas sa pagsalubong sa 2026? Reviewed by pinoyako on December 30, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close