BREAKING NEWS

PNP nagpaalala: ‘Wag i-post online ang vacation plans!

PNP nagpaalala: 'Wag i-post online ang vacation plans!

NAGBABALA ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-ingat sa pagpo-post ng kanilang vacation plans online dahil maaaring samantalahin ito ng mga kriminal ngayong holiday season.

"We should not give criminal elements the opportunity to strike. Posting vacation plans could be taken advantage of and could serve as an opportunity for them," sey ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa isang pahayag, na iniulat ng INQUIRER.

Aniya pa, "Police personnel nationwide will maintain heightened alertness. The PNP will continue to conduct operations to prevent theft and other criminal acts during the holiday period."

Baka Bet Mo: ALAMIN: Tips para iwas stress, trauma ang pets sa ingay ng paputok

Naglabas din ng parehong paalala ang National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan lang, kung saan hinikayat ang publiko na tiyakin ang seguridad ng kanilang mga tahanan habang wala sila ngayong Yuletide break.

Nauna nang sinabi ng PNP na nasa heightened alert ang kanilang pwersa at nag-deploy ng halos 100,000 personnel sa mga key areas sa buong bansa upang matiyak ang kaligtasan ngayong Bagong Taon.

The post PNP nagpaalala: 'Wag i-post online ang vacation plans! appeared first on Bandera.


PNP nagpaalala: ‘Wag i-post online ang vacation plans! PNP nagpaalala: ‘Wag i-post online ang vacation plans! Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close