BREAKING NEWS

DOH: Stroke, heart attack cases dumami ngayong Kapaskuhan

DOH: Stroke, heart attack cases dumami ngayong Kapaskuhan
INQUIRER photo

DUMAMI ng limang porsyento ang mga kaso ng stroke, heart attack at asthma ngayon Kapaskuhan, ayon sa Department of Health (DOH).

Base sa huling disease surveillance data, mula noong Disyembre 21 hanggang ngayon araw, nakapagtala ang DOH ng 288 na kaso ng acute stroke, acute coronary syndrome at bronchial asthma.

Mas mataas ito sa naitalang 274 na mga kaso sa katulad na panahon noong 2024.

Ngayon araw, 31 na bagong mga kaso ang naitala.

Baka Bet Mo: 95% pagtaas ng HIV case sa Pinas dahil sa pagse-sex ng lalaki sa lalaki

Karamihan sa mga naitalang kaso ng stroke at atake sa puso ay nasa edad 60 hanggang 69, samantala ang mga inatake ng hika ay karamihan ma bata na nasa edad 0 hanggang siyam.

Sa mga nasabing kaso, lima ang namatay at tatlo sa kanila ay dahil sa stroke.

Nagpaalala ang DOH na iwasan ang labis na pagkain, paninigarilyo, labis na pag-inom ng mga nakalalasing na inumin, at stress.

The post DOH: Stroke, heart attack cases dumami ngayong Kapaskuhan appeared first on Bandera.


DOH: Stroke, heart attack cases dumami ngayong Kapaskuhan DOH: Stroke, heart attack cases dumami ngayong Kapaskuhan Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close