BREAKING NEWS

WWE bagong tahanan ang Netflix simula Jan. 1; ‘Stranger Things’ finale inaabangan

WWE bagong tahanan ang Netflix simula Jan. 1; 'Stranger Things' finale inaabangan
PHOTO: Courtesy of Netflix

MAS lalong iinit ang laban sa mga sala at cellphone ng Pinoy wrestling fans dahil opisyal nang dadalhin ng Netflix ang WWE sa Pilipinas simula January 1!

Sa bagong partnership na ito, si Netflix na ang magiging tahanan ng isa sa pinaka-maaksyon, pinaka-dramatiko, at pinaka-pinag-uusapang sports entertainment sa buong mundo. 

Ibig sabihin? World-class wrestling action, kahit saan at kahit kailan, swak na swak sa binge-watch ng sambayanang Pilipino.

Para sa mga die-hard fans at pati na rin sa mga bagong papasok sa mundo ng wrestling, tampok dito ang mga paboritong weekly shows gaya ng Raw, NXT, at SmackDown.

Baka Bet Mo: 'Stranger Things' may Pinoy style, Mimic Studios binuhay ang iconic moments

Hindi rin mawawala ang mga inaabangang Premium Live Events tulad ng WrestleMania, Royal Rumble, SummerSlam, Money in the Bank, at marami pang iba na siguradong magpapa-"OMG!" sa bawat pinfall at submission.

Asahan ang matitinding rivalries, mala-komiks na personalidad ng mga superstar, at mga eksenang nakakaintriga mula sa biglaang betrayal hanggang sa comeback na magpapatayo sa'yo sa upuan.

At may dagdag na sorpresa pa para sa mga fan ng sci‑fi at horror thrills!

Kasabay ng WWE binge‑watching mo sa Netflix, mapapanood rin ang huling episode at serye finale ng malupit na hit show na "Stranger Things," na idinadaos bilang isa sa pinakamalaking TV events ngayong taon! 

Ang Season 5 finale, na pinamagatang "Chapter Eight: The Rightside Up" ay ilalabas na rin ng Netflix ngayong December 31 (New Year's Eve).

Pero dahil sa worldwide release schedule, marami sa atin sa Asia, kasama ang Pilipinas, ay makakapasok na sa bagong taon habang nanonood din ng finale sa January 1, 2026! 

Asahan ang matinding showdown, hindi lang sa ring ng WWE kundi pati na rin sa Upside Down ng "Stranger Things," kung saan ang mga paborito nating characters ay sasabak sa pinaka‑epic at emosyonal na labanan para wakasan ang nearly ten‑year run ng serye.

Kaya i‑ready na ang popcorn, snacks, at Captain Crunch energy dahil sa WWE at Stranger Things finale na babandera na sa New Year's celebrations!

The post WWE bagong tahanan ang Netflix simula Jan. 1; 'Stranger Things' finale inaabangan appeared first on Bandera.


WWE bagong tahanan ang Netflix simula Jan. 1; ‘Stranger Things’ finale inaabangan WWE bagong tahanan ang Netflix simula Jan. 1; ‘Stranger Things’ finale inaabangan Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close