ALAMIN: Tips para iwas stress, trauma ang pets sa ingay ng paputok

MAY paalala ang mga beterinaryo sa fur parents upang matulungang kumalma ang mga alaga bilang paghahanda sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Alam naman natin na ang malalakas na paputok ay nagdudulot ng trauma at stress sa mga hayop.
Kaya naman, ibinahagi ng CDN ang ilang tips ni Dr. Alice Utlang, retired head ng Cebu City Department of Veterinary Medicine and Fisheries (DVMF), para mabawasan ang kaba ng pets sa ingay ng fireworks.
Physical activity at masahe
Ayon kay Dr. Utlang, mainam na bigyan ng physical activity ang fur babies, tulad ng paglalakad, pagtakbo, o paglalaro, tatlo hanggang apat na oras bago magsimula ang paputok.
Baka Bet Mo: ALAMIN: 'Cloud Dancer' bagong Pantone Color of the Year para sa 2026
"Do anything you can to help your dog release energy now so she'll be tired out, and hopefully less stressed later," sey niya.
Dagdag pa niya, makakatulong din kung pakakainin ang alaga ng mabigat na meal isang oras o dalawa bago ang paputok dahil nakakapag-relax ito sa kanila.
Ang banayad na masahe sa ulo, leeg, spine, at mga paa ay makakatulong rin para maramdaman nilang ligtas sila sa kanilang paligid.
Ligtas na pwesto para sa alaga
Mahigpit na paalala ni Dr. Utlang na ilagay ang aso sa loob ng bahay at may access sa pamilyar nilang "safe spots," tulad ng ilalim ng mesa, kama, o kennel, para makahanap sila ng comfort at proteksyon mula sa ingay.
Kung malapit sa lugar ng malakas na paputok, pwede ring dalhin ang alaga sa bahay ng kaibigan o kamag-anak para mabawasan ang exposure sa stressful na tunog.
Pagkatapos ng fireworks, mahalaga rin ang "quality quiet time" kasama ang alaga dahil posibleng nananatiling anxious ang pets at kailangan nila ng comfort at reassurance mula sa kanilang owner.
"Your dog will still feel stress and needs to know from you that everything is fine," dagdag niya.
Magdiwang na walang paputok
Ipinapaalala rin ng mga animal welfare at environmental groups na mas ligtas ang selebrasyon ng Bagong Taon nang walang paputok.
Ito ay upang hindi malagay sa panganib ang mga hayop, tao, at kalikasan.
Kamakailan, nanawagan ang EcoWaste Coalition at Philippine Animal Welfare Society (PAWS) para sa "paputok-free" na selebrasyon.
Binanggit nila ang panganib ng injuries, air pollution, at toxic waste tuwing holiday season.
Imbis na paputok, suhestiyon nila ang mas ligtas na alternatibo tulad ng tin tambourines, recycled shakers, at homemade maracas upang mas enjoy ang selebrasyon nang walang stress at peligro.
The post ALAMIN: Tips para iwas stress, trauma ang pets sa ingay ng paputok appeared first on Bandera.

No comments: