LRT, MRT maikling biyahe, maagang magsasara sa December 31

MAS maagang matatapos ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 at Metro Rail Transit (MRT) ngayong New Year's Eve sa December 31.
Ayon sa Facebook post ng Light Rail Transit Authority, ang huling tren mula LRT Antipolo Station ay aalis ng 7:00 p.m., habang ang huling tren mula Recto Station ay aalis ng 7:30 p.m.
Ang unang tren mula sa parehong istasyon ay aalis ng 5:00 a.m.
Magbabalik naman sa normal na operasyon sa darating na January 1, 2026.
Baka Bet Mo: Rizal Day may libre sakay sa MRT-3 at LRT-2; walang fare hike sa 2026
Samantala sa MRT-3, ang huling tren mula North Avenue Station ay aalis ng 7:45 p.m., habang ang huling tren mula Taft Avenue Station ay aalis ng 8:23 p.m.
Ang unang biyahe mula North Avenue ay magsisimula ng 4:30 a.m. at mula Taft Avenue ay 5:05 a.m.
Sa January 1, magsisimula ang unang biyahe mula parehong istasyon ng 6:30 a.m., at ang huling tren ay aalis mula North Avenue ng 10:30 p.m. at mula Taft Avenue ng 11:09 p.m.
Pinapayuhan ang mga pasahero na planuhin ang kanilang biyahe nang maaga upang maiwasan ang abala ngayong bagong taon.
The post LRT, MRT maikling biyahe, maagang magsasara sa December 31 appeared first on Bandera.

No comments: