BREAKING NEWS

Carla Abellana sa kanyang ‘forever’: Clearest answer to all my painful whys

Carla Abellana sa kanyang 'forever': Clearest answer to all my painful whys
Carla Abellana, Dr. Reginald Santos

EMOSYONAL at puno ng pananampalataya ang naging kasal ni Carla Abellana sa kanyang non-showbiz husband na si Dr. Reginald Santos.

Ayon kay Carla, sinagot na ng Diyos ang lahat ng kanyang "painful whys."

Sa isang wedding vow na ikinaantig ng marami, nagpasalamat ang Kapuso actress sa Panginoon, habang binibigkas ang kanyang pangako bilang asawa.

Ibinahagi ni Carla ang ilang sulyap ng kanilang special day sa kanyang social media, kung saan makikitang parehong emosyonal ang bagong kasal habang muling pinagtitibay ang kanilang commitment sa isa't-isa.

Baka Bet Mo: Carla Abellana nag-react sa message ni Tom: Ayoko 'yan, ang luma na n'yan

Sa kanilang mga panata, binalikan din ng mag-asawa ang pinagmulan ng kanilang love story na tila kinumpirma ang matagal nang usap-usapang high school sweethearts sila noon.

"Thank you, Lord, most importantly, for now giving me the clearest answer to all my painful whys, for as a wife with a ring on my finger and a heart full of gratitude," sey ng Kapuso actress.

[EMBED: facebook.com/reel/1250657316893845/?t=0

Hindi rin nagpahuli sa kilig at lalim ng emosyon si Dr. Reginald Santos. 

Sa kanyang mensahe, inalala niya kung paano nagsimula ang kanilang pagmamahalan noong sila'y bata pa at kung paanong pansamantalang pinaghiwalay ng tadhana bago muling pinagtagpo sa tamang panahon.

"You look beautiful, as always. It is that same beauty that captivated me since I first laid eyes on you. I can still vividly remember [the time] we were in high school. We were young back then. We fell in love, and then life had interim plans for us," kwento ni Dr. Reginald.

Dagdag pa niya, mas matatag at mas buo na sila ngayon bilang mag-asawa.

"You were as I remembered, kind, loving, selfless, God-fearing. We reconnected at the perfect time. We are now the best versions of ourselves," aniya pa.

Ayon naman kay Carla, ang pagbabalik ng pag-ibig nila ni Reginald ay dumating sa panahong tumigil na siyang maghanap ng pagmamahal. 

"Sometimes, the bad things that happen to us in our lives put us directly on the path towards the most wonderful things that will ever happen to us. Who would have known it was still going to be us in the end?" sambit niya.

Dagdag pa ng aktres, "Just when I stopped looking for anything and anyone, life surprised me in the most unexpected way. It felt familiar. It wasn't messy or uncertain. It was real. It was healthy."

Para kay Carla, ang kanilang kwento ay patunay na may mga pag-ibig na kahit pakawalan mo, babalik at babalik pa rin sa'yo sa tamang oras.

"I once read that a great love story is when two people let go of one another only to eventually find their way back to each other," aniya pa.

Tahimik ngunit makahulugan ang naging seremonya ng kasal ng dalawa na ginanap sa Cavite noong Sabado, December 27. 

Si Dr. Santos ang ikalawang asawa ni Carla. 

Matatandaang ikinasal ang aktres kay Tom Rodriguez noong 2021, subalit natapos ang kanilang divorce noong June 2022, na kinilala ng korte sa Pilipinas makalipas ang dalawang taon.

The post Carla Abellana sa kanyang 'forever': Clearest answer to all my painful whys appeared first on Bandera.


Carla Abellana sa kanyang ‘forever’: Clearest answer to all my painful whys Carla Abellana sa kanyang ‘forever’: Clearest answer to all my painful whys Reviewed by pinoyako on December 29, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close