Karla Estrada sa ‘dating rumors’ kina Daniel, Kaila: ‘Hayaan na natin’

RELAX lang si Karla Estrada pagdating sa umuugong chika na may namamagitan umano sa anak niyang si Daniel Padilla at kay Kaila Estrada.
Para sa actress-TV host, nasa tamang edad na ang dalawa kaya mas mainam na sila na mismo ang magsalita kung may dapat linawin.
Ito ang pahayag mismo ni Karla sa panayam ng "TV Patrol" na umere noong Lunes, December 29, nang tanungin siya tungkol sa isyung kinahuhumalingan ngayon ng netizens.
"Nasa edad na kasi sila eh. Manggagaling na lang sa kanila. Hindi naman na ako para manguna, 'di ba? Hayaan na natin, kung anong nakikita natin, masaya naman tayo pare-pareho," sey ni Karla.
Baka Bet Mo: Karla Estrada iniligtas, swerteng nakawala sa ex-dyowang si Jam Ignacio
Dagdag pa niya, panahon na raw para maging mas mature ang publiko sa paghawak ng mga ganitong chismis, lalo't ang mahalaga ay masaya ang kanyang anak at kapag masaya si Daniel, masaya rin siya bilang ina.
"I think it's about time na mag-mature na tayo sa ganitong mga sitwasyon. Kung anong nakikita ko sa anak ko na masaya, masaya na rin ako bilang nanay niya," saad niya.
Hindi rin lingid kay Karla ang personal na koneksyon niya kay Kaila, lalo na't matagal na raw niyang kilala ang dalaga dahil kaibigan niya ang mga magulang nito na sina Janice de Belen at John Estrada.
"Yes. Matagal ko nang nami-meet si Kaila because we're very close. Me and Ate Janice are friends, also John," dagdag ni Karla.
Magugunita nitong buwan lang nang ma-interview si Janice sa MMFF Parade of Stars tungkol kina Kaila at Daniel, pero nanatiling tikom din ang kanyang bibig at ang simpleng pahayag lamang niya ay, "What you see is what you get."
Samantala, si Daniel naman ay hindi rin direktang umamin o tumanggi nang tanungin tungkol dito.
"Huwag na nating i-pressure yung sarili natin, huwag na nating ilagay sa ganun, i-showbiz pa yun, pero you get my point? Lalabas at lalabas, pero ayoko lang na may naghihintay na alam mo yun, hintayin ng tao. Hayaan na nating mangyari ang mga mangyayari," pahayag ng aktor.
Umugong ang chika kina Daniel at Kaila mula pa noong August 2025 matapos silang mamataan nang magkasama sa ilang pagkakataon, kabilang ang isang mall date sa Rockwell at panonood ng IV of Spades concert.
Mas lalo raw naging malapit ang dalawa matapos nilang magsama sa action drama na "Incognito," na umere mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
The post Karla Estrada sa 'dating rumors' kina Daniel, Kaila: 'Hayaan na natin' appeared first on Bandera.

No comments: