BREAKING NEWS

PBBM, economic team hinihimay na ang ratified 2026 national budget

PBBM, economic team hinihimay na ang ratified 2026 national budget
PHOTO: Facebook/Bongbong Marcos

Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na sinimulan na ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pagbusisi sa niratipikahan na 2026 General Appropriations Act (GAA).

Ayon kay Recto ang masusing pagbusisi ng Malakanyang ay upang matiyak na maayos na nailaan ang pondo at lubos na mapapakinabangan ng mga Pilipino.

Natanggap kahapon ng Malakanyang ang 2026 GAA matapos ratipikahan ng Senado at Kamara.

Katulong ni Marcos Jr., sa pagbusisi sa panukalang-pondo sa susunod na taon ang kanyang "Economic Team" at maaring tumagal ito ng isang linggo.

Baka Bet Mo: Rizal Day message ni PBBM: Bansa muna bago ang sarili!

Partikular aniya na aalamin ang mga ginawang pagbabago ng Kongreso sa isinumiteng  National Expenditure Program (NEP) ng Ehekutibo noong nakaraang Agosto.

Tiniyak din ni Recto, na dating kalihim ng Department of Finance (DOF), na hindi maaapektuhan ng paggamit ng "reenacted budget" sa mga unang araw ng bagong ang mga operasyon ng gobyerno.

The post PBBM, economic team hinihimay na ang ratified 2026 national budget appeared first on Bandera.


PBBM, economic team hinihimay na ang ratified 2026 national budget PBBM, economic team hinihimay na ang ratified 2026 national budget Reviewed by pinoyako on December 30, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close