Lotlot de Leon tumangging ibenta kay Boss Toyo mga liham ni Nora Aunor

MAY mga nag-suggest kay Lotlot de Leon na ibenta sa social media personality na si Boss Toyo ang mga sulat sa kanya ng inang si Nora Aunor.
Pinusuan at ni-like ng sandamakmak na netizens ang ibinahaging mga litrato ni Lotlot sa social media kung saan makikita ang mga sulat-kamay na liham ni Ate Guy para sa kanya.
Gandang-ganda ang mga fans sa handwriting ng namayapang National Artist at Superstar, kabilang na riyan ang liham na isinulat ni Ate Guy noon pang August 3, 1988 o 37 taon na ngayon ang nakararaan.
Mababasa sa sulat ng namayapang Superstar para kay Lotlot, "Dearest Baby,
"Cheer up!
"Right this instant, someone somewhere is thinking of you."
Ang caption ni Lotlot sa kanyang post, "Letters from mom."
Narito ang ilang comments ng social media followers ni Lotlot.
"Thanks for sharing this Ms.Lot, kasama mo kami sa pag-alala at nag mamahal lagi sknya. And her handwriting is so beautiful, the strokes and the lines parang calligraphy."
"A Mother's love.. You are the first reason that made her a wonderful and extraordinary Mom. @ms.lotlotdeleon My heart melts, the sweetest as ever!"
"@ms.lotlotdeleon dalhin mo ke boss toyo for sure bilhin nia yan."
Sinagot ng premyadong aktres ang komentong ibenta kay Boss Toyo ang mga letter sa kanya ng ina, "It's not for sale and will never be."
Matatandaang noong October, 2024, ay bumista si Nora sa shop ni Boss Toyo para pirmahan ang Nora Aunor dolls na nabili ng content creator at memorabilia collector mula sa fans ng Superstar.
Bilang kapalit, ay ang nagbigay ng P250,000 si Boss Toyo kay Ate Guy bilang donasyon sa pamimigay nito ng relief goods sa mga nasalanta ng kalamidad sa Bicol.
Sabi ni Nora kay Boss Toyo, nagtungo siya sa shop nito hindi dahil sa artista siya, kundi isang ordinaryong tao na nais makatulong sa mga binagyo sa Bicol.
"Pare-pareho lang po tayo. Wala pong superstar, wala pong artista sa pag-uusap po natin. Ordinaryong tao lang po tayo," sabi ni Ate Guy kay Boss Toyo.
The post Lotlot de Leon tumangging ibenta kay Boss Toyo mga liham ni Nora Aunor appeared first on Bandera.

No comments: