BREAKING NEWS

Winwyn Marquez sa Miss Grand Int’l All Stars: Literal na puksaan, bardagulan!

Winwyn Marquez sa Miss Grand Int'l All Stars: Literal na puksaan, bardagulan!
Winwyn Marquez

HINDI isinasara ng Kapuso actress na si Winwyn Marquez ang posibilidad na muling mag-join sa mga beauty pageant.

In fairness, pak na pak pa rin ang awrahan at kaseksihan ni Winwyn kahit na nga may asawa't anak na siya kaya naman marami ang nagsasabing keribels pa rin niya ang rumampa sa national pageant.

"Ayoko kasing mag-close ng doors din pero, as of now, ang daming opportunities na pumapasok.

"Meron akong teleseryeng lalabas with GMA next year. And then I'm also doing another for a brand, may gagawin din ako next year.

"So, sayang ang opportunities, e. So, hindi pa siya right time para pag-usapan ang any pageant," ang pahayag ni Winwyn nang matanong sa isang panayam kung balak pa niyang sumali uli sa beauty contest.

May nag-suggest naman na pwede pa siyang mag-join sa Miss Grand International All Stars, na bukas sa mga kababaihan at transgender woman, edad 20 hanggang 40.

Magsisimula ang MGI All Stars sa January 25, 2026, at ang grand finals ay magaganap sa February 13 sa Thailand. In-announce na ang dalawang representative ng Pilipinas sa pageant —sina Fuschia Anne Ravena at Alexia Nuñez.

"Kabog, di ba?! Kahit ako, nagulat, e! It's fun! Siyempre makikita mo, lahat ng dating beauty queens na lumaban internationally kahit nanalo na ng pageant, di ba?

"Iyon talaga, literal na puksaan, bardagulan, lahat na. Pero for me, I want to see it first. I want to watch it first. Not join, not now. Kung may second ano sila (edition)…" ani Winwyn.

"Kasi it's on January already, it's too near. Kasi hanggang January to Feb. E, lalabas ang teleserye namin. So, hindi siya possible talaga," sey ng aktres na ang tinutukoy ay ang GMA primetime series na "Never Say Die" starring Jillian Ward and David Licauco.

Gaganap na kontrabida sa serye si Winwyn, "Gusto ko talaga ng kontrabida and then action. Kailangan n'yong panoorin, kasi ngayon ko lang talaga nagawa ang ganung klase ng kontrabida.

"Yung karakter, lahat ng eksena, first time talaga. Everything. I auditioned for the role. Not everything is given in, you know, a silver spoon to us," sabi ni Winwyn.

The post Winwyn Marquez sa Miss Grand Int'l All Stars: Literal na puksaan, bardagulan! appeared first on Bandera.


Winwyn Marquez sa Miss Grand Int’l All Stars: Literal na puksaan, bardagulan! Winwyn Marquez sa Miss Grand Int’l All Stars: Literal na puksaan, bardagulan! Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close