BREAKING NEWS

Dasal ni Bianca Gonzalez sa 2026: Sana makulong na ang dapat makulong!

Dasal ni Bianca Gonzalez sa 2026: Sana makulong na ang dapat makulong!
Bianca Gonzalez, JC Intal at ang kanilang mga anak na sina Lucia at Carmen Intal

PARA sa bansa at sa sambayanang Pilipino pa rin ang panalangin ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez sa pagtatapos ng 2025.

Para sa pagsalubong ng 2026, kasama pa rin sa ipinagdarasal ni Bianca na sana'y makulong na ang mga dapat managot na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

"Sana may makulong na dapat nang makulong. Sana may maibalik, kung may maibabalik pa na pera ng taumbayan," ang pahayag ni Bianca sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda".

Pagpapatuloy pa niya, "At saka, naniniwala kasi ako na ang batas natin nandiyan, hindi lang naipapatupad nang tama. 

"Pero sana 'yung pagpapatupad ng batas ay maging pantay para sa mahirap at para sa mga nasa posisyon ng kapangyarihan," dugtong ng TV host.

Hirit pa ni Bianca, parang mas mabilis pang nakukulong ang mga nagnakaw lang ng maliliit na bagay kesa sa mga nagnanakaw ng milyun-milyong piso sa kaban ng bayan.

"Bakit ganoon, bakit 'yung dapat nagsisilbi sa bayan, parang nabe-baby pa bago pagbayarin ang kailangang bayaran," aniya.

Noong nagsagawa ng mga kilos-protesta ang mga Pilipino kontra korapsyon ay maraming celebrity ang nakiina kabilang na si Bianca at asawa niyang si JC Intal.

Nag-explain din ang TV host kung bakit isinama nila ni JC ang kanilang mga anak na sina Lucia at Carmen, sa anti-corruption protest na Trillion Peso March noong Setyembre.

"Sa edad nila na then na 9 and 6 ang sabi namin ng asawa ko, parang naiintindihan na naman na nila and para alam nila kung ano yung nangyayari sa bansa nila.

"Para unti-unti may pakialam sila para hopefully 'pag tumanda sila mas maging mas aware sila at sila naman ang makikibaka din sa kalsada 'pag kailangan," lahad pa ni Bianca. 

The post Dasal ni Bianca Gonzalez sa 2026: Sana makulong na ang dapat makulong! appeared first on Bandera.


Dasal ni Bianca Gonzalez sa 2026: Sana makulong na ang dapat makulong! Dasal ni Bianca Gonzalez sa 2026: Sana makulong na ang dapat makulong! Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close