BREAKING NEWS

Pinky Amador bilib sa husay ng Gen Z: Binago nila political landscape sa Pinas

Pinky Amador bilib sa husay ng Gen Z: Binago nila political landscape sa Pinas
Pinky Amador

SALUDO at nagpasalamat ang veteran actress na si Pinky Amador sa mga Gen Z dahil sa naging pagbabago sa political landscape sa Pilipinas.

Bilib ang magaling na kontrabida sa tapang at pagiging mapanuri ng mga kabataan ngayon pagdating sa isyu ng politika, partikular na sa eleksyon.

Natanong si Pinky sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda" tungkol sa nakaraang Eleksyon 2025 kung saan ilang artista ang hindi pinalad na manalo sa kabila ng kanilang kasikatan.

"Ako I attribute it sa Gen Zs. Sila talaga ang nagbago ng landscape. Kasi mapanuri na sila. Hindi porke't sikat ka… titingnan talaga nila, 'Ano ba ang mga nagawa nitong batas?' 'Ano ba ang plataporma nito?' Iisa-isahin nila 'yan," esplika ng aktres.

Naniniwala rin si Pinky na may sey na ang mga Gen Z sa kanilang mga pamilya at mga kaanak kung sino ang mga karapat-dapat na iboto at ilagay sa posisyon.

"I know ang ibang Gen Zs sa bahay nila, 'Ma, ito 'yung tatakbo sa atin.' Sila 'yung gumagawa ng listahan para sa magulang nila, para sa lola nila. 

"'Yun ang makakapagpabago ng bansa natin. Sila. Dahil mapanuri sila, dahil magaling sila sa internet, magaling sila mag-search," saad pa ng aktres.

"Pero dahil sa kanila, maraming nagbago," dugtong pa niya.

Sey pa ni Pinky, walang isyu kung pumasok man sa mundo ng politika ang isang artista o kahit ang mga journalist dahil ang mahalaga pa rin ay ang  intensyon at ang kakayahang magsilbi sa bayan.

"Sinasabi ng iba, 'Kukuha na lang ako ng magaling na staff.' Hindi siya ganoon. Hindi nakukuha sa magaling na staff 'yon. Kailangang meron ka rin, apart from your intention, meron ka ring sariling angking alam na paano ba gawing solusyon ito?,

"Kailangan marunong ka rin makinig, marunong ka ring pumulso sa tao. Ano ba talaga ang problema natin? You have to go on the ground to find out ano ba talaga, paano natin sosolusyunan ito," lahad ni Pinky.

The post Pinky Amador bilib sa husay ng Gen Z: Binago nila political landscape sa Pinas appeared first on Bandera.


Pinky Amador bilib sa husay ng Gen Z: Binago nila political landscape sa Pinas Pinky Amador bilib sa husay ng Gen Z: Binago nila political landscape sa Pinas Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close