BREAKING NEWS

Bianca King balik-showbiz after 6 years; proud ‘professional nanay’

Bianca King balik-showbiz after 6 years; proud 'professional nanay'
Bianca King, Ralph Wintle at Sadie Wintle

MAKALIPAS ang anim na taong paninirahan sa Australia, magbabalik-showbiz na ang aktres na si Bianca King

Nagdesisyon ang Kapuso actress na umuwi na muna sa Pilipinas kasama ang kanyang asawang si Ralph Wintle at ang isa nilang anak na babae.

Kuwento ni Bianca sa panayam ng "Fast Talk With Boy Abunda", wala naman talaga sa plano niya an pagtira sa Australia na nangyari noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Doon na rin siya nagkaroon ng asawa at nagkaanak na naging top priority nga niya sa loob ng halos six years.

"Sa Australia ako, doon ako nanirahan ng mahigit limang taon na hindi planado. Pero nangyari kaya in-embrace ko na lang siya," pahayag ni Bianca sa interview ni Tito Boy.

Sey pa ng aktres, lumilipad siya patungo sa Australia dahil nandoon si Ralph na boyfriend pa lamang niya that time. 

Taong 2019 nang magpunta uli siya sa Australia para ipagdiwang ang  kaarawan ni Ralph kasama ang pamilya nito hanggang sa nangyari na nga ang pandemya.

Nagpatupad ng lockdown ang iba't ibang bansa at kasama nga siya sa mga hindi na nakaalis mula sa Australia pauwi ng Pilipinas.

Taong 2021 nang ikasal si Bianca kay Ralph na ginanap sa loob lamang ng kanilang bahay sa Australia.

"Nag-umpisa siya sa isang very practical na conversation na 'Saan ba tayo pupunta?' Kasi siyempre, ayoko nang i-sugarcoat, may mga visa issues involved," aniya.

Para sa aktres, napakaespesyal ng kanilang wedding kahit na walang bonggang handaan dahil nagawa nila ito "in the simplest and most low-key way possible."

Makalipas ang tatlong taon after nilang ikasal, dumating sa buhay nilang mag-asawa ang panganay nilang si Sadie.

Grabeng struggle rin ang naranasan ni Bianca noong nagsisimula pa lamang ang buhay niya sa Australia at hindi birong adjustment ang ginawa niya.

"I was just trying to be happy, just trying to get by, just trying to integrate myself into a new society na napakahirap gawin during that time kasi wala kang mga social circles, e," lahad ng aktres.

"Excellent" na ina kung ilarawan ni Bianca ang sarili, "Ang joke ko nga is I am a professional mother, like kina-career ko talaga siya. From studying sleep, nutrition, how to raise a child, toys, books, everything."

Samantala, pumirma na nga si Bianca ng kontrata bilang pinakabagong Sparkle artist na tinawag niyang "long overdue".

Aniya, bago pa siya umalis noon pa-Australia, napag-uusapan na raw ni Ralph ang pagbabalik-GMA 7 niya, "Matagal na siyang nasa puso at nasa isip ko.

"Na-execute ko na siya finally and I must say, para dumating sa point na 'to, para iuwi 'yung buong family ko dito and lahat ng gamit namin, it was a long journey," sey pa ni Bianca King.

The post Bianca King balik-showbiz after 6 years; proud 'professional nanay' appeared first on Bandera.


Bianca King balik-showbiz after 6 years; proud ‘professional nanay’ Bianca King balik-showbiz after 6 years; proud ‘professional nanay’ Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close