BREAKING NEWS

Vice Ganda sa Call Me Mother:  Ipinagmamalaki ko, this is gonna be a classic

Vice Ganda sa Call Me Mother:  Ipinagmamalaki ko, this is gonna be a classic
Vice Ganda

NAG-UWI ng apat na karangalan ang comedy-drama movie na "Call Me Mother," kabilang ang Best Actor para kay Vice Ganda, sa Metro Manila Film Festival 2025 Gabi ng Parangal na ginanap noong December 27.

Walang hanggang pasasalamat si Vice para sa kanyang award, kung saan pinuri siya ng mga manonood para sa kanyang pagganap bilang isang queer mother sa pelikula.

"Mas ine-expect kong 'di mananalo. Nakikita, nagugustuhan, pero hindi pinipili o pinipili pero 'di maaari. But tonight maaari na. 

"Salamat dahil nakita niyo po ako. It's really 2025 and it is really possible, and it is real. Queer people can be best actors," sabi ni Vice noong tinanggap niya ang award.

Wagi rin si Lucas Andalio bilang Best Child Performer para sa kanyang nakakaantig na pagganap bilang ang anak na pinag-aagawan ng mga karakter nina Vice at Nadine Lustre.

Nanalo din ang "Call Me Mother" bilang 3rd Best Picture at inuwi rin nito ang Gender Sensitivity award. 

"Napakapersonal sa akin ng pelikulang ito. Maraming maraming salamat sa lahat ng producers namin, maraming salamat Meme Vice dahil pinagkatiwalaan mo uli ako. 

"Nadine, maraming salamat, bahagi ka na ng pamilya namin, at sana makagawa pa tayo ng marami pelikula," saad ng direktor na si Jun Robles Lana. 

Sa isang panayam nabanggit ni Vice na, "I was so proud with 'And The  Breadwinner is…' last year. Last year I thought it was my best movie, that was true last year it was my best movie. 

"But now itong 'Call me Mother', ang saya-saya ko lang na nakagawa na ako ng ganitong pelikula, parang ito na 'to, ito na yung…hinihiling ko to, hinihingi ko ng pabor at tulong sa Star (Cinema), kay Direk Jun, kasi gusto ko to. Gusto ko ng ganito. 

"Ang ganda-ganda nito, ipagmamalaki ko talaga to! I believe this is gonna be a classic," aniya. 

Ang "Call Me Mother" ay umiikot sa dalawang mapagmahal na ina – sina Twinkle (Vice), ang queer adoptive mother ni Angelo (Lucas), at Mara (Nadine), ang biological mother. Pinapakita ng kwento kung hanggang saan ang pagmamahal at ano ang kayang ibigay ng isang ina para sa kanilang anak. 

Mula ito sa produksyon ng Star Cinema, The IdeaFirst Company, at Viva Films. Isama ang buong pamilya at panoorin ang "Call Me Mother" sa mga sinehan nationwide. 

Samantala, kinilala rin ang mga bida ng "Love You So Bad" kung saan itinanghal si Bianca De Vera bilang Female Star of the Night, habang sina Will Ashley at Dustin Yu naman ang kinilala bilang Male Stars of the Night. 

The post Vice Ganda sa Call Me Mother:  Ipinagmamalaki ko, this is gonna be a classic appeared first on Bandera.


Vice Ganda sa Call Me Mother:  Ipinagmamalaki ko, this is gonna be a classic Vice Ganda sa Call Me Mother:  Ipinagmamalaki ko, this is gonna be a classic Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close