Zack Tabudlo nang-urot, nagpabango sa yearend concert para ‘di maasim

DINOGSHOW ng singer-songwriter na si Zack Tabudlo ang mga nang-okray sa "maasim" daw niyang amoy nang mag-perform sa isang event.
Nag-viral ang video ni Zack sa social media kung saan mapapanood ang pagpe-perform niya sa UST Paskuhan 2025 kamakailan.
May mga netizens ang nagsabing naroon daw sila sa venue at naamoy daw nila si Zack na amoy maasim nang lumapit ang binata sa audience.
Naging usap-usapan ng mga Marites ang tungkol dito at kung anu-ano nang masasakit at malilisyosong salita ang ibinato sa singer.
Napanood namin sa isang TikTok video ang pagpe-perform naman ni Zack sa ginanap na Marikina Yearend concert.
Sa isang bahagi ng kanyang performance, nagbiro ang award-winning OPM artist patungkol sa panlalait sa kanyang amoy at pagtawag sa kanya ng "putok."
"Bababa ako mamaya pero kailangan ko munang magpabango, e. Medyo maasim daw, e," ang hirit ni Zack on stage saka nag-spray ng pabango sa kanyang katawan.
Kung matatandaan, kumalat sa socmed ang video performance ni Zack sa UST Paskuhan 2025. Dito, mapapanood ang singer-songwriter na pawis na pawis at basang-basa ang suot na damit.
Lumapit ang binata sa crowd na nasa barikada at dito nga raw naamoy umano ng ilang nasa event ang umano'y body odor niya.
Kasunod nito, naglabas ng video si Zack sa TikTok at sinagot ang mga nang-ookray sa kanyang amoy.
"There were certain comments in that video regarding how I smelled, how I looked like, how my weight was, and all that, and it's just very bad.
"I think I've been in the industry for a while that I've gone through so much rumors and so much issues that it just numbs you and you get to a certain point where you see these comments, it sucks but at the same time, you're like, damn people don't change.
"For the past few years, I've been dragged into a lot of rumors and issues that go around, and it hasn't been the best few years in terms of my name.
"And to sum it all for you guys, I'm painted in social media as this smelly, ugly kid who has an attitude, who's always late, who doesn't dress good, who is fat, ugly, and can't sing, and slams doors at people when it's not 10:15 yet.
"We're all human at the end of the day. Lahat tayo tumatae, lahat tayo pinagpapawisan, lahat tayo nagkakamali sa buhay. Being nice isn't hardest to do. Be nice, guys," ang pakiusap ng singer-songwriter.
The post Zack Tabudlo nang-urot, nagpabango sa yearend concert para 'di maasim appeared first on Bandera.

No comments: