BuCor nagpalaya ng higit 28,000 preso, Bilibid lumuwag

IBINANDERA ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang, Jr. na ngayon taon 28,880 na bilanggo ang nakalaya.
Aniya ang bilang ay higit pa sa napalaya ng mga nakalipas na administrasyon.
Sinabi pa ni Catapang na 18,222 sa mga nakalaya ay dahil natapos na ang kanilang sentensya, samantalang ang iba ay dahil sa parole at napawalang sala.
Binanggit pa ng opisyal na ang "congestion rate" sa National Bilibid Prison ay naibaba sa 69% mula sa 356% noong 2022.
"Nang dumating ako sa Bucor and population ng NBP nasa 29,000 pero ngayon nasa 21,000 na lang," sabi pa ni Catapang.
Nakapagpatayo din ang BuCor ng mga bagong dormitoryo at nailipat sa ibang pasilidad ang higit 13,000 na bilanggo.
Ang mga hakbang, aniya, na mga ito ay pagpapatunay na pinahahalagahan ng administrasyong-Marcos ang kapakanan at rehabilitasyon ng mga bilanggo.
Ngayon taon, dagdag pa ni Catapang, nakakuha sila ng 4,240 na tauhan at nabigyan ng promosyon ang 900 sa kanilang mga opisyal at tauhan.
The post BuCor nagpalaya ng higit 28,000 preso, Bilibid lumuwag appeared first on Bandera.

No comments: