BREAKING NEWS

VP Sara boldyak uli kay Castro: ‘Yung sinabi niya laban sa Pangulo mas malala

VP Sara boldyak uli kay Castro: 'Yung sinabi niya laban sa Pangulo mas malala
Sara Duterte, Bongbong Marcos at Claire Castro

BINASAG ni Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Claire Castro ang mga nagtatanggol kay Vice President Sara Duterte.

Niresbakan ni Castro ang mga nagsasabing dapat daw siyang ma-disbar bilang abogado matapos sabihan si VP Sara na kamukha umano ng horror doll na si "Chucky" na mula sa American horror film na na "Child's Play."

Sa pamamagitan ng isang video na ipinost ni Castro sa kanyang YouTube account, nag-explain ang opisyal kung bakit niya nasabing kamukha ng bise presidente si Chucky.

"The reason why nasabi natin 'yan at that time na tinanong siya na 'mababati n'yo ba ang Pangulo sa Pasko?' tapos sumimangot siya agad.

"Tapos sinabi niya, 'bakit, mababago ba 'yong ugali niya (ng Pangulo) kung babatiin ko siya sa pasko?' So 'yong nagsasabi na ako'y idi-disbar, tingnan muna nila [kung] saan nanggaling, saan nagmula kung bakit nasabi natin 'yon," aniya.

Dagdag ni Castro, tingnan daw muna ng mga nagsasabing dapat siyang i-disbar ang mga naging pahayag ni VP Sara laban kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., kay First Lady Liza Araneta Marcos, at kay dating House Speaker Martin Romualdez. 

"Tingnan din nila muna 'yong sinasabi ng VP, na lawyer din, against the President na mas malala," saad pa ni Castro.

Nag-react din siya sa tanong kung dapat bang ihiwalay ni VP Sara 'yong ugali niya bilang vice president sa personal nitong mga sinasabi sa publiko.

"Hindi. E di hiwalay rin 'yong personality ko as vlogger, [as] Usec., and as a lawyer." 

"'Yong mga kataga na 'yon na may kilala siyang assassin at nagbanta sa buhay ng Pangulo, ng First Lady, at ng dating speaker of the House, 'yan ang mga grounds na puwede mong i-disbar ang isang lawyer.

"Kung ikukumpara sa mga words na ginagamit. 'Yong mga nagsasabi ba na ipapa-disbar ako, naaral ba nila lahat ng sinabi ng Bise Presidente against the government," pagbabahagi pa ni Castro.

The post VP Sara boldyak uli kay Castro: 'Yung sinabi niya laban sa Pangulo mas malala appeared first on Bandera.


VP Sara boldyak uli kay Castro: ‘Yung sinabi niya laban sa Pangulo mas malala VP Sara boldyak uli kay Castro: ‘Yung sinabi niya laban sa Pangulo mas malala Reviewed by pinoyako on December 30, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close