BREAKING NEWS

Bagong Taon sinalubong ng granada sa Cotabato, 22 sugatan

Bagong taon sinalubong ng granada sa Cotabato, 22 sugatan

DUMANAK ang dugo sa masayang pagdiriwang sa pagsalubong ng Bagong Taon sa pagsabog ng granada sa Matalam, North Cotabato.

Base sa mga ulat, 22 katao ang nasugatan nang pasabugan sila ng granada ng riding-in-tandem ilang minuto matapos ang hatinggabi kanina.

Isinugod sa ibat-ibang ospital ang mga biktima.

Nabatid na kabilang ang mga biktima sa nagkakasiyahan sa pagsalubong sa bagong taon sa gilid ng kalsada sa Barangay Dalapitan nang dumaan ang mga suspek at inihagis ang granada.

Kinondena ni North Cotabato Governor Emmylou Mendoza ang insidente at inatasan ang pulisya na kilalanin at tugisin ang dalawang suspek.

Tiniyak ni Mendoza ang pagtulong ng pamahalaang-lalawigan sa pagpapagamot ng mga biktima.

The post Bagong Taon sinalubong ng granada sa Cotabato, 22 sugatan appeared first on Bandera.


Bagong Taon sinalubong ng granada sa Cotabato, 22 sugatan Bagong Taon sinalubong ng granada sa Cotabato, 22 sugatan Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close