BREAKING NEWS

Dennis Trillo: Nahanap na yung missing bride! O, sino na next na ikukulong?

Dennis Trillo: Nahanap na yung missing bride! O, sino na next na ikukulong?
Sarah Discaya at Dennis Trillo

MAY bonggang hirit ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo matapos matagpuan ng mga otoridad ang kinaroroonan ng nawawalang bride-to-be.

Binengga ng award-winning actor ang gobyerno hinggil sa mga politiko at personalidad na sangkot sa mga maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Natapos na kasi ang Pasko at pumasok na ang Bagong Taon ay tila ang contractor pa lamang na si Sara Discaya ang naaresto at naikukulong sa kaso ng korapsyon.

Sa kanyang Facebook page, bago magpaalam ang 2025, nabanggit ni Dennis ang missing bride-to-be na natagpuan na nga kamakailan matapos maiulat na nawawala ilang araw bago ang kanyang kasal.

Ang kanyang tinutukoy ay si Sherra de Juan na natagpuan sa Pangasinan, ayon sa Quezon City Police District (QCPD) noong Lunes ng hapon, December 29. Nakatakda sana siyang ikasal sa kanyang fiancé na si Mark Arjay Reyes last December 14 pero bigla nga itong nawala.

Kasunod nito, hinikayat niya ang publiko na isunod na ang paghahanap sa nawawala at ninakaw na pera ng sambayanang Pilipino.

"Hanapin naman natin 'yong mga nawalalang pera ng mamamayan. #HappyNewYear," ang post ng mister ni Jennylyn Mercado sa FB.

Hirit pa niya sa isang hiwalay na post, "Ok na, Nahanap na yung missing bride! Oh sino na next na ikukulong???"

Isa si Dennis sa mga matatapang na celebrity na patuloy na lantarang  nagpapahayag ng galit laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan lalo na yung mga sangkot sa talamak na isyu ng korapsiyon 

The post Dennis Trillo: Nahanap na yung missing bride! O, sino na next na ikukulong? appeared first on Bandera.


Dennis Trillo: Nahanap na yung missing bride! O, sino na next na ikukulong? Dennis Trillo: Nahanap na yung missing bride! O, sino na next na ikukulong? Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close