BREAKING NEWS

Mayon Volcano nagbabadyang sumabog, Alert Level 2 itinaas ng Phivolcs

Mayon Volcano nagbabadyang sumabog, Alert Level 2 itinaas ng Phivolcs
PHOTO: Facebook/Jean Hugo

ITINAAS na sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon sa Albay dahil sa paglala ng aktibidad nito, ayon sa anunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes, January 1.

Ang Alert Level 2 ay nangangahulugang may katamtaman hanggang tumataas na aktibidad sa bulkan na maaaring humantong sa isang pagsabog. 

Samantala, ang Alert Level 1 ay indikasyon lamang ng mababang antas ng aktibidad.

Ayon sa mga eksperto ng Phivolcs na iniulat din ng INQUIRER, nagsimulang tumaas ang aktibidad ng Mayon noong November 2025 matapos maitala ang "increase in rockfall shed" gamit ang visual at seismic monitoring.

Baka Bet Mo: Phivolcs nagbabala sa posibleng maliit na pagsabog ng Taal Volcano

Umabot sa 599 rockfall events ang naitala sa nakalipas na dalawang buwan ng 2025. 

Pinakamataas ang bilang noong December 31, kung saan 47 rockfall events ang naitala sa isang araw.

"Increased rockfall at Mayon has been a precursory sign of magmatic dome growth within the upper edifice preceding an eruption, similar to conditions before the 2023 eruption," paliwanag ng Phivolcs sa inilabas nila sa bulletin.

Dagdag pa ng ahensya, "Long-term ground deformation data based on EDM, continuous GPS, and electronic tilt monitoring indicate that the Mayon edifice, particularly its eastern to northeastern slopes, has been swelling and inflating since June 2024. Short-term swelling or inflation on the western to southwestern slopes also began in May 2025."

Ayon sa Phivolcs, ang ganitong pamamaga o pag-umbok ng bulkan, maging pangmatagalan man o panandalian, ay maaaring palatandaan ng "increased chances of an eruption" sa Mayon.

Dahil dito, muling pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na iwasang pumasok sa loob ng anim na kilometrong permanent danger zone sa paligid ng bulkan.

Inirekomenda rin ng ahensya sa mga awtoridad sa civil aviation na paalalahanan ang mga piloto na huwag lumipad sa ibabaw o malapit sa Bulkang Mayon upang maiwasan ang panganib.

The post Mayon Volcano nagbabadyang sumabog, Alert Level 2 itinaas ng Phivolcs appeared first on Bandera.


Mayon Volcano nagbabadyang sumabog, Alert Level 2 itinaas ng Phivolcs Mayon Volcano nagbabadyang sumabog, Alert Level 2 itinaas ng Phivolcs Reviewed by pinoyako on December 31, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close