BREAKING NEWS

Vico sa pagharap ni Discaya sa Senado: Di lang dapat si Mrs. pati ‘Mistermind’

Vico sa pagharap ni Discaya sa Senado: Di lang dapat si Mrs. pati 'Mistermind'
Vico Sotto at Sarah Discaya

NAPANOOD ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang naganap na pagdinig sa Senado ngayong araw, September 1, kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa bansa.

Partikular na tinukoy ng alkalde ang pagharap ng kontrobersyal na negosyanteng si Sarah Discaya kung saan sinagot nito ang mga tanong tungkol sa kanyang construction business.

Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Senado, na-hotseat si Discaya matapos usisain sa flood control projects ng kanilang kumpanya sa Department of Public Works and Highway (DPWH).

Bukod dito, natanong din si Discaya ng mga senador, partikular na ni Sen. Jinggoy Estrada hinggil sa pag-aari nila ng kanyang asawang si Curlee Discaya na mga luxury car. 

Ibinahagi ni Vico sa kanyang Facebook page ang live streaming ng Senado  patungko sa naganap na hearing. 

"Live now. (Rewind lang ng konti.) Mamaya lista natin lahat ng mga… sabihin na lang nating 'inaccuracy' sa mga sinabi nila.

"Based on documents, records, and their own words. Tandaan sana nila na under oath ito sa Senado," ang pahayag ni Vico. 

At panawagan niya, dapat hindi lang si Sarah ang ipatawag sa Senado kundi pati na rin ang mister nitong si Pacifico "Curlee" Discaya. 

"Sana sa susunod ipatawag din hindi lang si Mrs kundi pati ang Mistermind," ang hirit ng alkalde.

Base sa inilabas ni Pangulong Bongbong Marcos na listahan kamakailan, kasama ang dalawang kompanya ng mga Discaya na Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp. at St. Timothy Construction Corporation sa top 15 contractors na umano'y kumita nang malaki sa flood control projects ng DPWH.

The post Vico sa pagharap ni Discaya sa Senado: Di lang dapat si Mrs. pati 'Mistermind' appeared first on Bandera.


Vico sa pagharap ni Discaya sa Senado: Di lang dapat si Mrs. pati ‘Mistermind’ Vico sa pagharap ni Discaya sa Senado: Di lang dapat si Mrs. pati ‘Mistermind’ Reviewed by pinoyako on September 01, 2025 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close